Thursday , June 4 2026
Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na bakbakan nina Donny Pangilinan at Kyle Echarri sa action series, na napapanood na rin sa Kapamilya Channel sa ALLTV2. Nakuha rin nito ang bagong all-time high online record matapos masungkit ang 541,446 peak concurrent viewers o sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live noong Lunes (Enero 5).

Kaliwa’t kanan na rebelasyon ang dapat pang abangan sa serye, na kasalukuyang nasa listahan din ng Top 10 TV shows sa Pilipinas sa Netflix at iWant, dahil desidido nang magsanib-pwersa sina Liam (Donny) at Olsen (Kyle), kasama ang kaibigan na si Luna (Maymay Entrata), para tulungan ang mga pulis na pabagsakin ang mga hostage-taker ng La Playa Roja resort upang makatakas ng buhay ang mga natitirang biktima.

Kasing tindi rin ng bakbakan ang mga plot twist dahil masisiwalat ang malaking eskandalo nang pagbintangan ni Greta (Lorna Tolentino) ang matalik na kaibigan na si Wendy (Janice De Belen) na mang-aagaw sa kanyang asawang si Magnus (Raymond Bagatsing). Sa pag-usbong nito, lilitaw din ang mga hinala hinggil sa tunay na pagkakakilanlan ng ama ni Olsen, ang anak ni Wendy. 

Pero hindi lang sa asawa magkakaroon ng problema si Greta dahil lalakas ang hinala ng anak nitong si Liam sa tunay na motibo ng kanyang ina nang mahuli ni Liam si Greta na palihim na nakikipag-usap sa hindi pa kilalang indibidwal sa telepono.

Sa kabilang banda, magkakagulo rin sa kampo ng mga hostage-taker dahil sa lider na si Emil (Joel Torre). Madadala kasi si Emil sa kanyang kahibangan para patayin si Magnus bilang ganti sa panlolokong ginawa nito sa kanyang anak noon, at magdadalawang-isip naman ang sariling mga tauhan ni Emil na nais nang sumuko sa mga awtoridad.

Sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga biktima, makahanap pa kaya sina Liam at Olsen ng paraan para makaligtas? Paano nila haharapin ang mga paparating na rebelasyon na gugulat sa kanila?

Panoorin ang maaksiyong kaganapan sa Roja gabi-gabi tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel sa ALLTV2 at Kapamilya Channel sa cable, pati sa A2Z at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook. Mapapanood din ang pinakabagong mga episode ng Roja 72 oras na mas maaga sa Netflix at 48 oras na mas maaga sa iWant. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …

PNP PRO3 Central Luzon Police

Sa Pampanga at Nueva Ecija
DALAWANG HIGH-VALUE TARGET TIMBOG SA P2.7-M HALAGA NG SHABU

DALAWANG high-value individuals ang naaresto sa pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 3 (PRO3) …

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …