Monday , December 15 2025

Nadesmaya sa EDSA

HINDI maikakaila na ang trahedyang naganap sa Mamasapano, Maguindanao na kumitil sa buhay ng 44 na Special Action Force (SAF) commandos noong Enero 25 ang pinakamalaking hamon sa pamumuno ni President Aquino. Sa katunayan, pati ang ika-29 taon na pagdiriwang ng EDSA People Power Revolution ay naapektohan nito. Taliwas sa dating tanawin ng libo-libong dumadalo sa selebrasyon, kakaunti lang ang …

Read More »

3 araw na Super8 FunFest 2015 ngayong Marso na

Nakatakdang ilunsad ng Super8 Grocery Warehouse sa Marso 26-28 ang inaabangan ng madla na Super8 FunFest 2015 na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City. Magsisimula ang FunFest ng 10 ng umaga at mananatiling bukas hanggang 7 ng gabi. Ayon sa pamunuan ng Super8, ang okasyon ay dadaluhan ng ilang kilalang persona-lidad sa larangan ng pelikula at telebisyon at  …

Read More »

Kagawad utas sa hired killers

LAOAG CITY – Inamin ng nahuling suspek sa pagpatay kay barangay kagawad Jesus Jacinto ng Brgy. Sta. Maria, Laoag City, na P25,000 ang inaasahang ibabayad sa kanila sa naturang pagpatay. Ayon sa nahuli na si Lucky Var Maximo, tubong Brgy. Buena Suerte, Cauayan City, pinagplanuhan ng kanilang grupo na patayin si Kagawad Jacinto sa Laoag. Dalawang araw aniyang isinagawa ang …

Read More »

2 tirador ng panabong sinalbeyds  

PINATAY ang dalawang hindi nakilalang lalaki na sinasabing tirador ng panabong na manok, at itinapon sa madamong lugar sa Caloocan City kahapon. Ang dalawang biktima ay natagpuang may marka ng sakal sa leeg at nakabalot ng duct tape ang mukha. Batay sa ulat ni PO3 Alcee Clemente Jumaquio, dakong 7 a.m. nang matagpuan ang dalawang biktima sa Congressional Model Givenchy …

Read More »

Lider ng Waray-waray gang itinumba

PATAY ang lider ng Waray-waray gang makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang mga salarin kahapon ng madaling-araw sa Binondo, Maynila. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Jobert Española, 32, construction worker, ng 1556 Almario Street, Dagupan, Tondo Maynila. Habang tinamaan ng ligaw na bala si Julie Ramos, 43, vendor, residente ng 045 Area H, Gate 64, Parola, Binondo, …

Read More »

Belmonte pabor na isailalim sa house arrest si Sen. Enrile

PABOR si House Speaker Feliciano Belmonte na i-house arrest na lamang si Senador Juan Ponce Enrile. Ayon kay Belmonte, dahil sa edad at lagay ng kalusugan ng senador, mas nais niyang ma-house arrest si Enrile. Ngunit mas magiging malakas aniya ang hirit kung mismong mga senador ang kikilos para manawagan sa Sandiganbayan. Sa Kamara, may resolusyon nang inihain upang iapela …

Read More »

2 bagets, 1 pa timbog sa pot session

HULI sa akto ng nagpapatrolyang mga pulis ang tatlo katao, kabilang ang dalawang menor-de edad, habang gumagamit ng ipinagbabawal  na gamot  kamakalawa ng gabi sa Marikina City. Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act sa Marikina Prosecutors Office, ang mga suspek na si Lody Celestino, 45, ng 20 Gen. Julian St., Tanong, Marikina City, at ang …

Read More »

Tax exemption kay Pacman ikinokonsidera sa Senado

IKOKONSIDERA ni Sen. Juan Edgardo Angara, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, ang ihahaing panukalang batas ni Sen. Koko Pimentel na bigyan ng tax exemption si Manny Pacquiao sa kanyang kikitain sa laban kay Floyd Mayweather Jr. Aminado si Angara, chairman rin ng Senate Committee on Games, Amusement and Sports, maganda ang layunin ni Pimentel bilang pagkilala ng …

Read More »

Bong humirit na mabisita si Jolo

HINILING ng kampo ni Senador Bong Revilla sa korte na payagan siyang mabisita sa ospital ang kanyang anak na si Cavi-te Vice Governor Jolo Revilla.  Nagpapagaling ngayon ang batang Revilla sa Asian Hospital makaraan maputukan ang sarili habang naglilinis ng kanyang baril, Sabado ng umaga.  Sa tatlong pahinang mosyon sa Sandiganbayan First Division ng mga abogado ni Revilla, hiniling ng …

Read More »

Bebot ginilitan sa leeg ng selosong dyowa

BUTUAN CITY – Nahaharap sa kasong homicide ang isang lalaki makaraan gilitan sa leeg ang kanyang live-in partner sa Brgy. Avilan, Buenavista, Agusan del Norte na ikinamatay ng biktima kamakalawa. Ayon kay PO3 Edmond Masambo, ng Buenavista PNP, patuloy ang kanilang paghahanap kay Richard Tagopa alyas Dodong, 30, tumakas makaraan gilitan sa leeg si Cristina Cagatan, 23, ng Brgy. Puting-bato …

Read More »

ULP sa GMA Inc. iimbestigahan sa Kamara

NAIS busisiin ng ilang mambabatas sa isyu ng unfair labor practices sa kompanyang GMA Inc. Base sa Resolution 1893, nina Reps. Emmi  De Jesus (Party-list, Gabriela), Luzviminda Ilagan (Party-list, Gabriela) at Jose Christopher Belmonte (6th District, Quezon City), dapat imbestigahan ng Kamara ang reklamo ng mga manggagawa tungkol sa ‘security of tenure.’ Batay sa isinampang kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC) ng …

Read More »

Baby girl iniwan sa MRT

ISANG bagong silang na sanggol na babae ang inabandona nang walang pusong ina sa isang estasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa Makati City kamakalawa. Ayon sa mga security guard ng MRT na nakatalaga sa Magallanes Station na sina Mark Anthony Montes, at Lucio Paano Jr., dakong 2:30 p.m. nang matagpuan nila sa hagdanan ng Southbound lane, EDSA Ave., ng naturang lungsod, ang sanggol. …

Read More »

Pamangkin ni Villafuerte inutas sa sabungan

NAGA CITY – Binawian ng buhay ang pamangkin ni dating Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte makaraan barilin sa loob ng sabungan sa San Vicente, Milaor, Camarines Sur kamakalawa. Ayon kay SPO1 Aldrin Amaro, dakong 5:30 a.m. kahapon nang bawian ng buhay si Jeffrey Villafuerte dahil sa seryosong tama ng bala sa katawan. Ani Amaro, si Villafuerte ang sponsor ng sabong na …

Read More »

Security officer tiklo sa pagpatay sa barangay treasurer  

ARESTADO ang isang 42-anyos officer-in-charge (OIC) ng security personnel ng National Power Corporation (Napocor) ilang oras makaraan matukoy sa closed circuit television (CCTV) na siya ang huling taong nagtungo sa bahay ng pinaslang na barangay treasurer sa Quiapo, Maynila. Inihahanda na ni PO3 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District-Homicide Section, ang kasong murder laban sa suspek na si Gabriel Ambuyot y …

Read More »

PNoy lumabag sa batas sa Oplan Exodus (Ayon sa law expert)

MAY pananagutan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa Oplan Exodus, ayon sa isang law expert.  Matatandaan, nabunyag sa nakuhang kopya ng video ng unang pagharap ng sinibak na si Special Action Force (SAF) chief Getulio Napeñas sa mga opisyal ng pamahalaan hinggil sa madugong enkwentro noong Enero 26, na inamin ng hepe ng SAF na na-brief niya si …

Read More »