2 bagets, 1 pa timbog sa pot session

080614 drugs shabu arrestHULI sa akto ng nagpapatrolyang mga pulis ang tatlo katao, kabilang ang dalawang menor-de edad, habang gumagamit ng ipinagbabawal  na gamot  kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act sa Marikina Prosecutors Office, ang mga suspek na si Lody Celestino, 45, ng 20 Gen. Julian St., Tanong, Marikina City, at ang dalawang menor de edad na sina Rico, 15, ng Brgy. Dela Pena, at Bing, 16, ng Block 14, Brgy. Tumana, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Inspector Edwin Malabanan, hepe ng Public Information Office (PIO) ng Marikina City Police, nadakip ang tatlo dakong 8:45 p.m. sa Gen. Julian St., Tanong, Marikina City habang nagsasagawa ng pot session. 

Jaja Garcia