Tax exemption kay Pacman ikinokonsidera sa Senado

022015 Manny Pacquiao pacman prayIKOKONSIDERA ni Sen. Juan Edgardo Angara, chairman ng Senate Committee on Ways and Means, ang ihahaing panukalang batas ni Sen. Koko Pimentel na bigyan ng tax exemption si Manny Pacquiao sa kanyang kikitain sa laban kay Floyd Mayweather Jr.

Aminado si Angara, chairman rin ng Senate Committee on Games, Amusement and Sports, maganda ang layunin ni Pimentel bilang pagkilala ng gobyerno sa karangalan na ibinibigay ni Pacman sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Pimentel na sa pamamagitan ng tax exemption ay lalong gaganahan ang kongresista sa paghahanda kay Mayweather at sa lawak ng publicity ng laban ay kasama sa mapo-promote ang Filipinas.

Itinakda ang Pacquiao-Mayweather welterweight unification fight sa May 3 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, USA.

Cynthia Martin