Saturday , August 13 2022

Bong humirit na mabisita si Jolo

jolo revillaHINILING ng kampo ni Senador Bong Revilla sa korte na payagan siyang mabisita sa ospital ang kanyang anak na si Cavi-te Vice Governor Jolo Revilla. 

Nagpapagaling ngayon ang batang Revilla sa Asian Hospital makaraan maputukan ang sarili habang naglilinis ng kanyang baril, Sabado ng umaga. 

Sa tatlong pahinang mosyon sa Sandiganbayan First Division ng mga abogado ni Revilla, hiniling ng senador na mabisita ang anak sa loob ng tatlong oras.

Nang malaman ng senador ang insidente, labis ang kanyang pagka-bigla at agad ninais na makita ang anak.

Ayon sa mga abogado, wala pang nakasaad sa kanilang mosyon kung kailan ang paglabas sa kulungan dahil ibabase pa nila ito sa iskedyul na papayagan ng ospital.

Inatasan ng korte ang prosekusyon na magkomento agad-agad hinggil sa nasabing kahilingan.

About hataw tabloid

Check Also

marijuana

2 drug suspects timbog sa P180-K Marijuana

NASAMSAM ng pulisya ang halos P.2-milyong halaga ng ilegal na droga sa dalawang drug suspects, …

Cara y Cruz

2 Laborer arestado sa Cara y Cruz, baril

SWAK sa kulungan ang dalawang laborer matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal gambling operation at makuhaan …

CoVid-19 vaccine

Amyenda sa Covid-19 sa Vaccination Program Act of 2021 hiniling sa Senado

HINILING ni Department of Health (DOH) Officer-In- Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Kongreso (MMataas …

Robin Padilla 2

Scholarship, Health Services para sa mga magsasaka isinulong sa Rice Tariffication Act

ISINUSULONG ni Senador Robinhood “Robin” Padilla ang scholarship at health services para sa mga magsasakang …

Sonny Angara Money Senate

PPP sa LGUs suportado ni Angara

SUPORTADO ni Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara ang panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa …

Leave a Reply