Bebot ginilitan sa leeg ng selosong dyowa

112514 crime sceneBUTUAN CITY – Nahaharap sa kasong homicide ang isang lalaki makaraan gilitan sa leeg ang kanyang live-in partner sa Brgy. Avilan, Buenavista, Agusan del Norte na ikinamatay ng biktima kamakalawa.

Ayon kay PO3 Edmond Masambo, ng Buenavista PNP, patuloy ang kanilang paghahanap kay Richard Tagopa alyas Dodong, 30, tumakas makaraan gilitan sa leeg si Cristina Cagatan, 23, ng Brgy. Puting-bato lungsod ng Cabadbaran, gamit ang sickle o karit.

Napag-alaman, galing sa Butuan City si Cristina dahil sa kanyang trabaho at umuwi sa kanilang bahay upang kunin ang bunsong anak na may lagnat.

Ngunit nadatnan niya ang lasing na si Richard at hindi sumang-ayon sa kanyang pakay na nagresulta sa kanilang pag-aaway.

Sinasabing nagseselos ang suspek dahil bihira lamang umuwi ang biktima sa kanilang bahay.