Monday , August 8 2022

ULP sa GMA Inc. iimbestigahan sa Kamara


gma

NAIS busisiin ng ilang mambabatas sa isyu ng unfair labor practices sa kompanyang GMA Inc.

Base sa Resolution 1893, nina Reps. Emmi  De Jesus (Party-list, Gabriela), Luzviminda Ilagan (Party-list, Gabriela) at Jose Christopher Belmonte (6th District, Quezon City), dapat imbestigahan ng Kamara ang reklamo ng mga manggagawa tungkol sa ‘security of tenure.’

Batay sa isinampang kaso sa National Labor Relations Commission (NLRC) ng Talents Association of GMA (TAG), iniaangal nila ang hindi pagreregular sa kanila kahit ilang taon na silang empleyado ng naturang kompanya.

Kabilang sa pinagkaitang maging regular ang cameramen, production assistants, editors, writers, researchers, segment at executive producers na pawang talent lamang ang pinirmahang kontrata.

“TAG members alleged that since they meet the four-fold test of regular employment in the manner and selection of engagement, the payment of wages, the power to dismiss and the control over the means and methods of their work rest on GMA, they are for all intents and purposes regular employees of GMA,” ani De Jesus.

Habang sinabi ni House Speaker Feleciano Belmonte Jr., hindi lang ang Kongreso ang dapat mag-imbestiga sa reklamong itong ng mga manggagawa, dapat din silipin ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang isyu.

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Rice, Bigas

P20/kilong bigas nabibili sa Botolan, Zambales

NAKABIBILI na ng P20 kada kilo ng bigas ang mga residente sa bayan ng Botolan, …

Bustos Dam

Bustos Dam nagpakawala ng labis na tubig

DAHIL sa walang tigil na pag-ulan, nagpakawala ng 226 cubic meters ng tubig kada segundo …

Leave a Reply