This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ISANG bagong silang na sanggol na babae ang inabandona nang walang pusong ina sa isang estasyon ng Metro Rail Transit (MRT) sa Makati City kamakalawa.
Ayon sa mga security guard ng MRT na nakatalaga sa Magallanes Station na sina Mark Anthony Montes, at Lucio Paano Jr., dakong 2:30 p.m. nang matagpuan nila sa hagdanan ng Southbound lane, EDSA Ave., ng naturang lungsod, ang sanggol.
Nabatid mula sa mga awtoridad, tinatayang nasa dalawang linggo pa lamang ang gulang ng naturang sanggol na nakabalot sa lampin.
Dahil walang nakakabit na CCTV camera sa naturang lugar, bigo ang pamunuan ng MRT Magallanes Station na matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na nag-iwan sa sanggol.
Nasa mabuting kalagayan ang naturang sanggol at nasa pangangalaga ng Brgy. Bangkal Lying-in Center sa Makati City.