Pamangkin ni Villafuerte inutas sa sabungan

112514 deadNAGA CITY – Binawian ng buhay ang pamangkin ni dating Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte makaraan barilin sa loob ng sabungan sa San Vicente, Milaor, Camarines Sur kamakalawa.

Ayon kay SPO1 Aldrin Amaro, dakong 5:30 a.m. kahapon nang bawian ng buhay si Jeffrey Villafuerte dahil sa seryosong tama ng bala sa katawan.

Ani Amaro, si Villafuerte ang sponsor ng sabong na nagsimula kamakalawa.

Malapit nang matapos ang sabong nang biglang tumanggi ang suspek na si Emmanuel Rey na ilaban ang kanyang manok, bagay na hindi pinayagan ng biktima.

Doon na nagkainitan ang dalawa hanggang sa pansamantalang umalis ang suspek at maya-maya ay bumalik kasama ang kakambal na si Esebio.

Tinawag ni Emmanuel si Villafuerte at nang humarap ay binunot ng suspek mula sa bag na dala ng kanyang kakambal, ang baril na ipinutok sa biktima nang tatlong beses.

Naglunsad na ng hot pursuit operation ang PNP upang mahanap ang tumakas na mga suspek.