Thursday , August 11 2022

Security officer tiklo sa pagpatay sa barangay treasurer  

112514 crime sceneARESTADO ang isang 42-anyos officer-in-charge (OIC) ng security personnel ng National Power Corporation (Napocor) ilang oras makaraan matukoy sa closed circuit television (CCTV) na siya ang huling taong nagtungo sa bahay ng pinaslang na barangay treasurer sa Quiapo, Maynila.

Inihahanda na ni PO3 Bernardo Cayabyab, ng Manila Police District-Homicide Section, ang kasong murder laban sa suspek na si Gabriel Ambuyot y Dadon, may-asawa, security officer ng Agilex Security Agency Inc., nakatalaga sa Napocor building sa Port Area, Maynila, at residente ng Olivares Compound, San Dionisio, Parañaque City.

Dakong 4:30 kamakalawa nang dakpin si Ambuyot sa Napocor building, sa tabi ng Guwapotel sa Port Area.

Ayon sa imbestigasyon, ang suspek ay karelasyon ng biktimang si Arlene Mediavilla, 39, treasurer ng Brgy. 390, Zone 40, District 3, at residente ng 913 R. Hidalgo St., Quiapo, Maynila, natagpuang walang buhay dakong 9:45 a.m. nitong Sabado sa kanilang bahay.

Bago nangyari ang insidente ay sinasabing madalas mag-away ang dalawa dahil dumating mula sa ibang bansa ang nobyang Muslim ng suspek.

Ang relasyon ng dalawa ay lingid sa kaalaman ng live-in partner ng biktima na nang maganap ang insidente ay kasalukuyang naka-confine sa ospital dahil sa karamdaman.

Leonard Basilio

About hataw tabloid

Check Also

Lunod, Drown

Sa Zambales
3 NILAMON NG ALON, 13-ANYOS NAWAWALA

HINDI nakaligtas sa malakas na hampas ng alonang tatlo katao habang nawawala ang kasama nilang …

bugbog beaten

Kinuyog ng 5 katao
16-ANYOS BINATILYO TODAS

BINAWIAN ng buhay ang isang binatilyo matapos pagsasaksakin at pagnakawan ng limang suspek sa Brgy. …

fire dead

Sunog sumiklab sa Bataan
MAG-AMA PATAY, 14 BAHAY NATUPOK

PATAY ang isang lalaki at kanyang 20-anyos anak na babae sa sunog na tumupok sa …

arrest posas

Top 3 MWP sa kasong rape nasakote

HINDI na nakapalag ang isang lalaking may kasong panggagahasa matapos arestohin ng pulisya sa pinagtataguan …

arrest, posas, fingerprints

Scammer nagpanggap na ‘US Army’ arestado

DINAKIP ng mga pulis sa lungsod ng Tarlac ang isang babaeng hinihinalang sangkot sa ‘package …

Leave a Reply