Wednesday , August 17 2022

PNoy lumabag sa batas sa Oplan Exodus (Ayon sa law expert)

021415 PNoy malacananMAY pananagutan si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III hinggil sa Oplan Exodus, ayon sa isang law expert. 

Matatandaan, nabunyag sa nakuhang kopya ng video ng unang pagharap ng sinibak na si Special Action Force (SAF) chief Getulio Napeñas sa mga opisyal ng pamahalaan hinggil sa madugong enkwentro noong Enero 26, na inamin ng hepe ng SAF na na-brief niya si Aquino sa pangyayari.

Banggit ni San Beda School of Law dean Fr. Ranhilio Aquino,  “ibig sabihin, hindi tumutol ang Pangulo (sa operasyon).

“It is very clear that the President was briefed, that he knew what was happening, and that he agreed that the AFP will only be informed at the time Napeñas recommended that they would be performed.”

Aniya, hindi mag-uutos si resigned PNP chief Gen. Alan Purisima habang suspendido kung wala siyang go-signal mula sa Commander-in-Chief. “Not only is he (PNoy) abetting and condoling and allowing the usurpation of public office, one can even say that the usurpation could not have been in place had it not been for the President.” Pagninilay-nilay pa ni Aquino sa aksyon ni Napeñas, “Kung ikaw ba naman ang subordinate officer at alam mo kung kanino nanggagaling ang command, why do you take orders from a suspended official? Kaya ka tumatanggap ng mga utos ng isang suspendidong opisyal kasi alam mo na nasa likod niya ang ultimate commander.”

PNoy dapat magpaliwanag — Bongbong (Sa pagbali sa chain of command)

HINAMON ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na magpaliwanag sa publiko kung bakit hindi sinunod ang ‘chain of command’ at gumawa ng sariling ‘chain of command’ sa operasyon ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) sa Mamasapano Maguindanao noong Enero 25. 

Tinutukoy ng senador ang ginawang pakikipag-usap ni Aquino sa suspendido noon na si dating PNP chief, Deputy Director General Alan Purisima, sa lumabas na video ng pagpupulong noong Enero 25 ng mga opisyal ng AFP at PNP kabilang sina DILG Sec. Mar Ro-xas, at Defense Sec. Voltaire Gazmin sa Zamboanga, habang kinukuwestiyon ni Roxas si da-ting SAF director, Chief Supt. Getulio Napenas. 

“Ang isang natitirang tanong tungkol sa problemang ito. Bakit hindi sinundan ang chain of command. That is the question that everybody wants to ask the president and to get the answer from the president. What were the reason kung bakit pinili n’ya na palitan o hindi sundan any normal na chain of command at gumawa siya ng sariling chain of command na ginagamit si General Purisima na suspendido sa kanyang posisyon,” ani Marcos.

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa Police

Muntinlupa ginawaran ng Best City Police Station Award ng SPD

IGINAWAD sa Muntinlupa City Police ng Philippine National Police (PNP) ang Best City Police Station …

Las Piñas City hall

Las Piñas, safe city sa Metro Manila

IDINEKLARA ang Lungsod ng Las Piñas bilang Safe City sa buong Metro Manila, sa ginanap …

MMDA, NCR, Metro Manila

581 MMDA traffic personnel ide-deploy sa school zones simula sa pasukan ng klase — MMDA

AABOT sa 581 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic personnel ang ide-deploy ng ahensiya sa …

electric wires

Kableng ninakaw, Metro sa C-5 road, Taguig napalitan na

NAPALITAN na ang ninakaw na metro at kawad ng koryente sa C5 road sa lungsod …

shabu drug arrest

Sa Valenzuela
ONLINE CASINO AGENT KULONG SA P.1-M SHABU

BAGSAK sa kulungan ang isang online casino agent matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga …

Leave a Reply