NewsBelmonte pabor na isailalim sa house arrest si Sen. Enrile hataw tabloidMarch 3, 2015March 3, 201501 mins PABOR si House Speaker Feliciano Belmonte na i-house arrest na lamang si Senador Juan Ponce Enrile. Ayon kay Belmonte, dahil sa edad at lagay ng kalusugan ng senador, mas nais niyang ma-house arrest si Enrile. Ngunit mas magiging malakas aniya ang hirit kung mismong mga senador ang kikilos para manawagan sa Sandiganbayan. Sa Kamara, may resolusyon nang inihain upang iapela sa Sandiganbayan na i-house arrest na lamang ang dating Senate Pesident. Ngunit nilinaw ni Deputy Speaker Giorgidi Aggabao, hindi ito maituturing na pressure sa korte bagama’t umaasa silang mabibigyan ng konsiderasyon. Nahaharap sa non-bailable na kasong pandarambong dahil sa pork barrel scam si Enrile. Huwebes ng madaling araw nang ilipat sa Makati Medical Center mula PNP General Hospital si Enrile makaraan umubo nang may dugo dahil sa pneumonia. Post navigation Previous: 2 bagets, 1 pa timbog sa pot sessionNext: Lider ng Waray-waray gang itinumba