Lider ng Waray-waray gang itinumba

Police Line do not crossPATAY ang lider ng Waray-waray gang makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang mga salarin kahapon ng madaling-araw sa Binondo, Maynila.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Jobert Española, 32, construction worker, ng 1556 Almario Street, Dagupan, Tondo Maynila.

Habang tinamaan ng ligaw na bala si Julie Ramos, 43, vendor, residente ng 045 Area H, Gate 64, Parola, Binondo, Maynila.

Habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng dalawang suspek na tumakas makaraan ang pamamaril.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 Charles John Duran, dakong 1:55 a.m. nang pagbabarilin ang biktima sa madilim na lugar ng Recto Avenue kanto ng Carmen Planas St., Binondo.

Sinasabing matagal nang hinahanting ng mga suspek ang biktima na ina-kusahang responsable sa sunod-sunod na pagpatay sa night market sa Binondo.

Ayon sa ulat, karamihan sa mga biktima ni Española ay mga negosyante ng gulay at ang pinakahuling pinatay ay si SPO2 Nestor Dela Cruz ng MPD station 5.

Leonard Basilio