This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
PINATAY ang dalawang hindi nakilalang lalaki na sinasabing tirador ng panabong na manok, at itinapon sa madamong lugar sa Caloocan City kahapon.
Ang dalawang biktima ay natagpuang may marka ng sakal sa leeg at nakabalot ng duct tape ang mukha.
Batay sa ulat ni PO3 Alcee Clemente Jumaquio, dakong 7 a.m. nang matagpuan ang dalawang biktima sa Congressional Model Givenchy St., Brgy. 175, Camarin ng nasabing lungsod.
Hinihinalang mga suspek sa pagnanakaw ng manok sa Camarin at Bagong Silang area ang mga biktima dahil natagpuan sa tabi ng kanilang bangkay ang isang patay na manok.