Kagawad utas sa hired killers

112514 deadLAOAG CITY – Inamin ng nahuling suspek sa pagpatay kay barangay kagawad Jesus Jacinto ng Brgy. Sta. Maria, Laoag City, na P25,000 ang inaasahang ibabayad sa kanila sa naturang pagpatay.

Ayon sa nahuli na si Lucky Var Maximo, tubong Brgy. Buena Suerte, Cauayan City, pinagplanuhan ng kanilang grupo na patayin si Kagawad Jacinto sa Laoag.

Dalawang araw aniyang isinagawa ang pagmamanman sa naturang biktima hanggang sa matiyempohan kahit kasama ang kanyang anak na babae.

Inamin ni Maximo na kasama sa pag-project kay Kagawad Jacinto sina Michael Rumbao na itinurong gunman, at Jonathan Zapata na itinurong nakipag-ugnayan sa mastermind.

Nahuli si Maximo ng mga residente makaraan makitang tumatakbo at nakuha sa kanya ang bag na inagaw kay Jacinto.

Ang dalawang suspek na sina Zapata at Rumbao ay patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad.