Tuesday , August 9 2022

3 araw na Super8 FunFest 2015 ngayong Marso na

super8Nakatakdang ilunsad ng Super8 Grocery Warehouse sa Marso 26-28 ang inaabangan ng madla na Super8 FunFest 2015 na gaganapin sa World Trade Center sa Pasay City. Magsisimula ang FunFest ng 10 ng umaga at mananatiling bukas hanggang 7 ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng Super8, ang okasyon ay dadaluhan ng ilang kilalang persona-lidad sa larangan ng pelikula at telebisyon at  ihahayag ang pa-ngalan sa susunod na mga araw. Tinaguriang “Buhay Bida, Buhay Artista,” tatampukan ito ng mga paligsahang gaya ng Aktingan Game , Kantahin Mo Ang Theme Song Ko, Photo Mo Pelikula Ko at Kalokalike Ambush Interview.

Araw-araw din magkakaroon ng raffle draw na ipami-migay ang maraming premyo. Isang brand new Toyota Wigo bawat araw ang maaaring mapanalunan ng mapapalad na Super 8 Rewards members.

Ito ang ikatlong FunFest na isasagawa ng popular na supermarket at layon nitong magbigay ng kasiyahan, sanlaksang gift packages, at sari-saring diskwento sa mga kustomer na patuloy na tumatangkilik sa kanila.

Kagaya ng mga naunang FunFest, maraming kalahok na mga supplier ang magpapaninda ng mga Super Box Office Deals na talagang sulit na sulit. Kasama dito ang Peerless Pro-ducts (Champion Detergent), Universal Robina, Nestle Philippines, Monde Nissin, Coca-Cola, at marami pang iba.

Katunayan, ang March 26-27,  unang dalawang araw ng FunFest 2015 ay eksklusibong ilalaan para lamang sa mga nasabing cardholders, at dito ay espesyal na pagtrato ang ibibi-gay sa kanila. Maaari rin silang magdala nang hanggang dalawang kaibigang non-cardholders na gustong makisama sa saya.

Magiging bukas naman para sa madla ang March 28, ikatlong araw, Sabado, na ang lahat ay maaaring lumahok sa mga paligsahan at palaro.

Libre ang entrance sa lahat ng araw ng Super8 Funfest 2015.

Tulad ng naunang dalawang Super8 Fun Fest na dinaluhan ng pami-pamilyang mga bisita, inaasahang ang tatlong araw na okasyong ito ay dudumugin din ng publikong naghahangad hindi lang ng bilihing abot-kaya kundi gayon din ng saya at aliw na idudulot ng mga paligsahan at ng mga kilalang entertainment personalities.

Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa Super8 Funfest 2015, maaaring bumisita sa isa sa 42 na Super8 Grocery Warehouse branches. Handa ang kanilang mga napakabait na staff upang sagutin ang inyong mga katanungan.

Additional details:

List of Product Partners

1. Peerless Products

     Mfg Corp.

2. Universal Robina Corp.

3. Nestle Philippines, Inc.

4. Monde Nissin Corp.

5. Coca-Cola Products Inc.

6. Unilever Philippines Inc

7. Colgate Palmolive PhilsInc

8. Del Monte Phils.,Inc

9. Johnson & Johnson

     Phils Inc

10. Regent Foods Corp.

11. Pepsi Cola Products Inc.

12. Federated Distributors,Inc.

13. Century Pacific Food Inc.

14. Nutri-Asia Inc. 2

 

List of Prizes (Per Day)

1. 1 Brand New Toyota Wigo

2. 1 Devant LED TV

3. 2 Ipad Mini

4. 8 Cherry Mobile D200

5. 8 Super8 Gift Certificates      

     worth PhP 1000

About hataw tabloid

Check Also

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

P120-K shabu nasabat live-in partners nasakote

NASAMSAM ang P120,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa live-in partners sa ikinasang drug buy …

Sa Rizal P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

Sa Rizal
P1.1-M DROGA NASABAT 6 HVI SWAK SA SELDA

DERETSO sa kulungan ang anim na nakatalang high value individual (HVI) makaraang makompiska sa kanila …

dead gun police

Kaanak ng suspek sa Ateneo shooting  itinumba

PINASLANG ang isa pang kaanak ng suspek sa pamamaril sa Ateneo de Manila University na …

Bulacan Police PNP

3 wanted criminal nasakote, 6 astig na pasaway lumambot

ARESTADO ang tatlong indibidwal na pinaghahanap ng batas at anim na iba pa sa ikinasang …

PNP PRO3

23 sugarol timbog sa Central Luzon

SA PAGPAPATULOY ng PRO3 PNP sa kanilang hakbang laban sa illegal gambling, iniulat ni Regional …

Leave a Reply