Wednesday , December 17 2025

Recent Posts

Sen. Bong Go atras sa VP race
SARA DUTERTE TATAKBONG VICE PRESIDENT

ni ROSE NOVENARIO UMATRAS sa kanilang re-election bid bilang mayor at vice mayor ng Davao City ang magkapatid na Sara at Sebastian Duterte sa 2022 elections. Si Sebastian ay nag-substitute sa kanyang ate bilang mayoralty bet habang si Chief Presidential Legal Counsel Melchor Quitain ang pumalit sa kanya bilang vice mayoralty candidate ng lungsod. Ayon sa malapit na kaibigan ni Sara na si Atty. Bruce Rivera, malabo nang tumakbong presidential bet at pagiging bise-presidente na ang target ng alkalde. May natanggap umanong impormasyon si Rivera na may mga tao ang anak ng diktador at presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na nasa Davao City pero hindi malinaw ang kanilang pakay sa siyudad. “She has always told me time and time and time again na she’s not running for president but ‘yung vice naging mas open siya,” ani Rivera sa panayam sa Frontline Pilipinas sa News5 kagabi. Matatandaang ipinangako ni Sara kay Marcos ang suporta ng kanyang regional party na Hugpong ng Pagbabago sa presidential bid ng anak ng diktador sa kanilang pag-uusap sa Cebu City kamakailan. Kapag natuloy ang pagsabak ni Sara sa VP race ay makatutunggali niya ang longtime aide ng kanyang ama na si Sen. Christopher “Bong” Go. Ngunit sa kanyang talumpati sa Antipolo City kahapon, tila naging emosyonal si Go na nagpahiwatig ng kanyang pag-atras bilang vice presidential candidate ng PDP-Laban. “Maaaring may mga pagbabago sa mga tatakbo sa posisyon sa mga darating na araw. Ang problema po riyan, kailangan ko umiwas. Gusto ko man magsilbi sa inyo bilang bise presidente dahil sa kagustuhan ng ating mahal na pangulo, kailangan ko pong umiwas. Malalaman n’yo po iyan sa darating na araw,” sabi niya sa talumpati sa Malasakit Center monitoring visit sa Antipolo City.

ni ROSE NOVENARIO UMATRAS sa kanilang re-election bid bilang mayor at vice mayor ng Davao City ang magkapatid na Sara at Sebastian Duterte sa 2022 elections. Si Sebastian ay nag-substitute sa kanyang ate bilang mayoralty bet habang si Chief Presidential Legal Counsel Melchor Quitain ang pumalit sa kanya bilang vice mayoralty candidate ng lungsod. Ayon sa malapit na kaibigan ni …

Read More »

Mayor Emeng ng Gapan, kinasuhan ng P170-M graft sa Ombudsman

Emeng Pascual, Ombudsman, Money

SINAMPAHAN ng kasong paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act (RA3019) ang alkalde ng Gapan, Nueva Ecija kasama ng apat pang opisyal ng lungsod kaugnay ng mahigit P170 milyong pondo na hindi maipaliwanag kung saan nagamit. Sa 11-pahinang demanda na iniharap sa Office of the Ombudsman nitong 22 Oktubre 2021, tinukoy ng complainant na si Reynaldo Linsangan Alvarez, residente ng …

Read More »

DILG naghugas kamay sa no vaccine, no ayuda

HUGAS-KAMAY ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa panukalang pagpapatupad ng “no vaccine, no subsidy” scheme para sa mahihirap na pamilya na tumatanggap ng ayuda mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan, at inginuso ang local government units (LGUs) na may pakana umano nito. “Let me just emphasize, it’s not just the DILG that is proposing …

Read More »