TALAGANG pinupuwersa ng ilang fans si Janella Salvador na ipakita kahit sa social media ang kanyang naging anak. Hindi naman umaamin si Janella na nabuntis nga siya ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson, pero siya kasama ang buong pamilya niya, ay nasa UK mga ilang buwan na. May nagsasabing nabuntis nga siya at doon siya nanganak sa UK.
Siguro nga dahil ganoon, madaling sundin ng kanilang anak ang citizenship ng ama niyon. Pero ang punto, hindi pa naman inaamin ni Janella o maski ni Markus na nagbuntis nga siya. Bagama’t sinasabi nga ng ibang sources na nakatakda siyang manganak noon pang nakaraang buwan.
Lalong tumibay ang tsismis nang maglabas sa social media si Markus ng isang bagong panganak na bata, at isang babaeng bahagyang nakatago ang mukha na nakahiga sa isang hospital bed, na kahawig daw ni Janella.
Bakit nga ba hindi pa aminin kung totoo naman.
HATAWAN
ni Ed de Leon