SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
ANO kaya ang reaksiyon ng mga magulang nina Andre Yllana at Andres Muhlach sa binitiwang salita ng una nang matanong ang mga ito ukol sa working relationship nila. Magkakasama kasi ang dalawa sa youth oriented digital series, ang Mutya ng Section E handog ng Viva One.
Pero for sure matatawa rin sina Aiko Melendez, Aga Muhlach, at Charlene Gonzales.
Sa isinagawang media conference walang kagatol-gatol na sinagot ni Andres ng “Muntik ko nang maging kapatid ‘yan, charot lang,” anang anak ni Aiko sa tanong nga kung kumusta ang kanilang pagsasama sa 16 part Wattpad University series.
Kaya naman nagkatawanan ang lahat ng mga dumalo sa presscon sa Viva Cafe sa tinurang iyon ng binata ni Konsehal Aiko.
Bale first time magkakasama sina Andre at Andres at sa mga hindi nakakaalam, dating nagkaroon ng relasyon sina Aiko at Aga kaya nagbiro ng ganoon si Andre na ikinangiti rin naman ni Andres.
Ani Andre, aware ang kanyang inang si Aiko na magkasama sila ni Andres sa series na Mutya ng Section E.
“Aware naman po si Mommy, nasabi ko po sa kanya. Actually happy siya noong nabanggit ko na makaka-work ko po si Andres.”
Ganoon din naman daw si Aga kay Andres. “When I told my dad na I am gonna work with Andre, I was very excited kasi he knows Tita Aiko.
“This is my second project and I am very grateful and blessed to be doing ‘Da Pers Family’ with my parents and my sister and the other great people in the cast.
“Overall, this project, when we first got this and when I learned about the cast, I was really really excited, super excited actually. I couldn’t hide my smile talaga,” sabi pa ng kambal ni Atasha.
“Unang-una po talaga I’m really happy and blessed and grateful I got to work with great cast, great director. And I got the opportunity to meet the writer (Lara Flores aka Eatmore@behappy, so siyempre kinilig ako ng kaunti. I have even signed my physical book so I’m just really happy talaga po,”pagbabahagi ni Andres nang makausap namin ito after the presscon.
Gagampanan ni Andres ang karakter ni Mark Keifer Watson, ang class president ng Section E. Matalino at gwapo pero may pagka-bully din sa kanilang klase.
Natanong din si Andres kung anong advice ang ibinigay ng kanyang parents ngayon may show na siya na hindi kasama ang mga ito.
“The advice they gave me was more on just trust in yourself, be confident always, and really believe in yourself talaga. That’s the advice they gave me.
“Ako naman, I don’t really ask my parents for advice all the time. They let me try to figure things out on my own and when I make mistakes, that’s when I talk to them,” sabi pa ni Andres.
Ukol naman sa kung may lovelife na ito, wala pa raw. “Wala po. Busy ako ngayon kasi mayroon po ako nitong University series mag-star na kami. Tapos may show pa ako sa TV5 with my family. Kaya hindi ko po muna iniisip ‘yan. I just want to focus sa trabaho ko and I just want to do good with my craft,” sagot ni Andres at sinabing nag-eenjoy siya sa pag-arte.
“Ang saya talaga. Kahit po sa mga workshop I find it fun talaga. And I just love people getting to know them,” dagdag pa ni Andres.
Samantala, mapapanood sa Viva One ang series na Ang Mutya ng Section E mula sa bestselling Wattpad series na may 143 million reads, at equivalent sa 16 episodes.
Kaya naman humandang makilala ang 16 na rowdy guys at ang nag-iisang fierce young lady ng Section E! They’re an ensemble of the freshest and most promising young Viva artists na pinangungunahan nga ni Andres kasama si Ashtine Olviga na pag-aagawan nila ni Rabin Angeles.
Magugulo ang mundo nina Andres at Rabin sa pagdating ni Jay-Jay Mariano (Ashtine Olviga), isang talented singer na nagsimula bilang parte ng supergroup PPop Generation.
Siya ang magiging “mutya” ng Section E, na tinaguriang “ang lowest at most chaotic section sa Higher Value International School.
Kasali rin sa cast sina Charles Law, Frost Sandoval, Keagan De Jesus, Ethan David, Kurt Delos Reyes, Martin Venegas, Nic Galvez, Daniel Ong, AJ Ferrer, Sam Shoaf, Michael Keith, Kyosu Guinto, Yanyan De Jesus, at Derick Ong.
Kasama rin si Heart Ryan at ang mga veteran actor na sina Yayo Aguila, Katya Santos, Nanette Inventor, at Lander Vera Perez.
Mapapanood exclusively sa Viva One, ang production team ay taimtim na nakikipagtrabaho kay sa author nitong si Lara Flores at Wattpad WEBTOON Studios para matiyak na ang essence ng series is fully captured.
Isa rin ito sa marami pang collaborations ng Viva at Wattpad WEBTOON Studios na ididirehe niTheodore Boborol.