ITINAAS na ng Commission on Elections (Comelec) board of canvassers ang kamay ng nanalong alkalde ng Caloocan City na si Dale Gonzalo “Along” Malapitan matapos tambakan ng boto ang matibay na kalabang si dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV at tatlong iba pa.
Nakakuha si Malapitan ng 348,592 votes laban kina Trillanes IV, Danny Villanueva, Richard Cañete, at Ronnie Malunes.
Pasok din ang running mate na si Vice Mayor Karina Teh na nakakuha ng 351,299 votes laban sa katunggali na sina PJ Malonzo, Dante Lustre, Joseph Timbol, at Rolando Tobias.
Samantala, nanatili sa puwesto bilang Caloocan 1st District Representative si Oscar Malapitan, habang nakabalik si Rep. Edgar Erice sa 2nd District matapos ilampaso si incumbent representative Mitch Cajayon; at nanatili si Dean Asistio sa 3rd District. (VICK AQUINO)