Thursday , April 17 2025
Casino Plus Grand Jackpot Gut Feeling na nauwi sa pagkakasungkit ng ₱30M na Jackpot Prize

Casino Plus Grand Jackpot: Gut Feeling na nauwi sa pagkakasungkit ng ₱30M na Jackpot Prize

NASUNGKIT ng isang adult player mula Luzon ang tumataginting na ₱30,363,000 mula sa Casino Plus Online Baccarat Grand Jackpot matapos nitong sundin and kanyang intuwisyon na tumaya.

            “Ginising ko ang asawa ko. Sabi ko, ‘Totoo ba ‘to?’” aniya, tila panaginip pa rin ang pagkapanalo.

            Dagdag pa nito, hindi raw araw-araw ang kanyang paglalaro, kontrolado at may disiplina pa din sa kanyang bawat pagtaya. “Usually once or twice a week lang ako. Pero that time, nakita kong wala pang nanalo sa Grand Jackpot, kaya nag-deposit ako at sinubukan.”

            Bago pa mangyari ang nasabing pagkapanalo, nakamit na din niya ang isang minor prize sa Online Baccarat at minsan na ring napalago ang kanyang dalawang libong piso (₱2,000) na taya na umabot sa isang milyong piso (₱1,000,000), na siyang naging dahilan kung bakit ipinagpatuloy nito ang pagtaya sa nasabing laro.

Paglilinaw niya, disiplina at tamang mindset ang susi.

            Bukod sa pagsuporta sa pamilya at pag-iipon, pagpapalawak ng negosyo ang kanilang pangunahing prayoridad na paglalaanan ng kanyang napanalunan. Dahil para sa kanya, “Sa business, may good days at bad days. At least ngayon, may back-up na ako.”

            Ngunit sa kabila ng tagumpay, hindi niya itinangging may pagdududa siya sa mga online platform noon, na kalaunan ay nagbago matapos ang lahat ng karanasan niya sa paglalaro sa Casino Plus. Pagdidiin niya, “May mga artista na endorser, at ‘yung live dealer setup — kita mong real, hindi parang machine lang. Kaya ngayon, masasabi kong fair at legit ang platform.”

            Sa kasalukuyan, itinala ang Casino Plus na may pinakamalaking Online Baccarat jackpot sa kasaysayan ng Pilipinas na nagkakahalaga ng ₱102,576,582.94, kung saan labing isang jackpot winners ang naghati-hati rito. Bukod sa ₱30 milyon na jackpot winner na binanggit, ang iba pang sampung nanalo ay nag-uwi naman ng premyong mula ₱3.7 milyon hanggang mahigit ₱22 milyon kada isa. Maituturing itong patunay na malaki ang tiwalang ibinibigay ng mga manlalaro sa Casino Plus.

            Samantala, tampok ang bagong VIP exclusive tables, Good Trends at Multi-table betting code na ilulunsad ng Casino Plus na magbibigay ng mas magandang kalidad na siguradong magugustuhan ng lahat. Layunin nitong mas pagandahin pa ang gameplay para sa mga manlalaro.

            Sa katunayan, nakilala ang Casino Plus dahil sa mga naka aaliw at kakaibang laro nito. Matatandaang mula nakaraang taon (2024), mahigit apat na daang (400) jackpot prizes na hindi bababa sa isang milyon (₱1 milyon) ang naipamahagi na ng Casino Plus, ito ay may kabuuang halagang higit sa tatlong bilyong piso (₱3 bilyon).

            Isa lamang itong patunay na ang Casino Plus ang isa sa naging pamantayan sa pamamahagi ng pinakamalaking papremyo at pinaka-pinagkakatiwalaang online casino platform sa Pilipinas.

About hataw tabloid

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …