TCL at Kathryn Bernardo patuloy na magbibigay ginhawa sa pamilyang Filipino
MULING pinagtibay ng TCL Electronics, isa sa mga nangungunang TV brands sa buong mundo at lider sa larangan ng consumer electronics ang kanilang matatag na ugnayan sa Asiaβs Superstar at Box Office Queen, Kathryn Bernardo, bilang kanilang pangunahing endorser at brand ambassador kasabay ng pagdiriwang ng kanilang ika-25 anibersaryo sa Pilipinas.
Ang contract signing na ginanap noong Enero 23 sa Studio Simula ay dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng TCL kabilang sina Deputy Marketing Director Shae Xiaoling Yu at Brand Manager Joseph Cernitchez. Kinatawan naman si Kathryn ng kanyang mga co-manager na sina Lulu Romero at Kali Vidanes, Account Manager ng VCM The Celebrity Sourceβang ahensiyang naging susi sa matagumpay na kolaborasyong ito.
βThis partnership is built on authenticity,β ani Cernitchez. βWeβre thrilled to celebrate Kathrynβs third year with TCL. Her genuine connection with the Filipino audience and her influence as a trusted icon have made her a perfect fit to champion our message of βInspire Greatness.ββ
Nagpahayag si Kathryn ng taos-pusong pasasalamat at inilahad kung paano naging bahagi ng kanyang personal na buhayβat ng maraming Filipinoβang mga produkto ng TCL.
βIβm incredibly happy to have contributed to TCLβs rise to the top. Iβve personally experienced the quality of their productsβand they truly make life better,β pagbabahagi ni Kathryn. βI especially love my TCL QLED Pro TV. It helps me relax, bond with family, and enjoy my downtime despite my hectic schedule.β
Ipinunto ni Kathryn ang makabago at praktikal na disenyo ng mga produkto ng TCL na sumasalamin sa pang-araw-araw na pangangailangan ng modernong Filipino.
βTCL products are made with us Filipinos in mind. Whether it’s for entertainment, work, or staying connectedβTCL continues to innovate in ways that make technology truly part of our daily lives.β
Sa ikatlong taon ng kanilang pakikipagtulungan, itinuturing na ngayon ang tambalang TCL at Kathryn bilang isa sa mga pinakamatagumpay at makapangyarihang celebrity-brand collaborations sa bansa. Muling itatampok si Kathryn sa mga bagong kampanya ng TCL para sa kanilang pangunahing produkto gaya ng TVs, Washing Machines, Air Conditioners, at Refrigerators, na layuning maghatid ng smart, stylish, at eco-conscious na teknolohiya sa mga tahanan ng bawat Filipino.
Habang patuloy na nagsusulong ng makabagong solusyon, lalo pang pinatatag ng TCL at ni Kathryn ang kanilang ugnayan para sa mas makulay na 2025.
β2025 is going to be an exciting year,β dagdag ni Cernitchez. βAnd having Kathryn with usβsomeone who embodies the spirit of greatnessβis something weβre proud of. Expect bigger campaigns and even more groundbreaking products ahead.β
Sa likod ng bawat matagumpay na partnership ay isang maaasahang katuwangβat sa kasong ito, ay ang VCM The Celebrity Source. Sa kanilang mahigit na tatlong dekadang karanasan sa brand strategy, celebrity management, at influencer marketing, naging mahalagang tulay ang VCM sa pag-uugnay ng TCL at ni Kathryn.
Itinatag ni Elizabeth Alviar-Vidanes, ang VCM na kinikilala bilang isa sa mga nangungunang ahensiya sa bansa pagdating sa pagbuo ng tunay at epektibong ugnayan ng mga kilalang personalidad at malalaking brands sa bansa. Sa kanilang malawak na karanasan sa paghahanap ng tamang brand at ambassador match, patuloy nilang binabago ang larangan ng celebrity marketing sa Pilipinas.
Mula kina Senator Robin at Mariel Padilla, Miss World Megan Young at asawang Mikael Daez,kapatid na si Emilio Daez, power couple Juancho Trivino at Joyce Pring at Kapuso actress Jasmine Curtis Smith, hanggang kay Kathryn para sa TCL, ang VCM ay hindi lamang naghahatid ng endorsements, kundi ng mga makapangyarihang kuwento ng tagumpay.
Sa pagpasok nito sa isang bagong yugto, naghahanda na ang VCM para sa isang smooth na generational transition sa pangunguna ni Kali Vidanes. Bitbit ang matibay na karanasan sa influencer marketing, client servicing, at brand management, inaasahang bibigyan ng makabagong pananaw at sigla ni Kali ang VCM. Nagtapos ng MBA sa Marketing Management mula sa Asian Institute of Management at may aktwal na karanasan bilang Account Manager ng kompanya, handa na si Kali na palawakin, higit pang patatagin at dalhin ang VCM sa makabago at digital na panahon ng influencer-driven partnerships.
