Friday , May 23 2025
Sipat Mat Vicencio

FPJ Panday Bayanihan Partylist para sa mapayapang halalan

SIPAT
ni Mat Vicencio

ILANG araw na lang at tuluyan nang magdedesisyon ang taongbayan kung sino ang kandidatong kanilang ihahalal sa nakatakdang eleksiyon sa Lunes, Mayo 12.

Bagamat idineklara ng Comelec na ‘generally peaceful’ ang bansa sa pagpapatuloy ng campaign period, ilang lugar pa rin ang nasa ilalim ng tinatawag na ‘red category’ o pagkakaroon ng bantang kaguluhan ng mga armadong grupo.

Batay sa ulat ng Philippine National Police, umaabot sa 35 election-related incidents ang kanilang naitala kabilang ang 13 kataong napatay.

Kaugnay nito, si Comelec Chairman George Garcia ay nananawagan na maging mahinahon ang mga kandidato at kani-kanilang supporters para maisakatuparan ang isang matagumpay na halalan.

“Itaas po natin ang diskurso, ‘yung diskurso patungkol sa problema ng ating bayan, problema ng ating siyudad, probinsiya — hindi po ‘yung personal na atake sa ating mga kandidato at kamag-anak ng ating mga kandidato,” pahayag ni Garcia.

Suportado ni Brian Poe ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang panawagan ng Comelec na maging malinis, tapat, maayos at mapayapa ang eleksiyon sa darating na halalan.

               Nakikiisa rin si Senator Grace Poe sa layunin ng Comelec na maging peaceful, orderly, at higit sa lahat maging malinis ang pagdaraos ng eleksiyon sa Lunes.

At habang papalapit ang halalan, ang FPJ Panday Bayanihan ang isa sa mga nangungunang partylist sa mga survey na isinasagawa ng SWS, Pulse Asia, Octa Research at iba pang survey firms.

Sa inaasahang tagumpay ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, nakatitiyak ang mga supporters ni Brian at ang taongbayan na ang tulong at serbisyo na sinimulan ni FPJ ay kanyang ipagpapatuloy.

About Mat Vicencio

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Bukod kay Gen. Douglas Mac Arthur
YORME ISKO NAKABALIK RIN SA MAYNILA

YANIGni Bong Ramos BUKOD kay Gen. Douglas Mac Arthur, si Yorme Isko Moreno lang ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa pangarap ni PBBM na 5-minute police response, PMG Torre III is the answer…

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPANOOD natin sa social media ang isang panayam kay Pangulong Bongbong …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC Mayor Joy B, at VM Sotto, tuloy ang serbisyo sa QCitizen

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATATABA sa puso nina Quezon City Mayor Joy Berlmonte (re-elect) at …

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …