Sunday , May 25 2025
Benhur Abalos
ANG pagharap ni Abalos kanina sa entertainment media ay sinuportahan din nina MMDA Chairman Romando Artes, Dondon Monteverde ng Reality Films, direk Perci Intalan ng IdeaFirst, ang aktor na si Nico Antonio bilang representative ng kanyang ina at producer ding si Atty Joji Alonso ng Quantum, Phoebe Walker, representative ng Viva Entertainment, at ang manager/writer Noel Ferrer.

Benhur Abalos nagulat pag-endoso ni Vice Ganda; Roselle Monteverde iginiit unahin ang bansa

ni MARICRIS VALDEZ

MALAKI ang pasasalamat ni Senatorial candidate Benhur Abalos kay Vice Ganda sa pag-eendoso sa kanya.

Sa isinagawang media conference na pinangunahan ng Regal Entertainment producer kanina sa Valencia Events Place sinabi ng dating DILG secretary na nagulat siya sa ginawang pag-endoso sa kanya ni Vice Ganda.

Parang si Vice hindi basta-basta nag-e-endorse eh. Ano siya eh, very miticulous, namimili. Kaya I’m very thankful for that (pag-endoso). Isipin mo 16 million views, I think close na sa 17 million views ang kanyang page.

“At this point gusto ko rin pasalamatan sina Jake Cuenca, Ai Ai delas Alas, Priscilla Meirelles, Bea Santiago, at ‘yung aking kamag-anak si Jason Abalos. Bawat isa sa kanila ay tumulong talaga sa pagtakbo ko.”

Hindi pa nagkakaharap ng personal sina Abalos

at Vice kaya naman inihayag niya ang pasasalamat sa naturang press conference.

“Vice ha maraming salamat sa ginawa mo. It’s a simple 30 seconds pero very catchy. Nagulat din ako. Talagang very catchy, very true. Sandaling segundo ‘yun. It caught a lot of attention and parang binigyan ako ng second look ng mga tao tuloy. Nag-search sila sa akin, tiningnan ako, kung sino ako? It means a lot.  Maraming salamat Vice Ganda,” tila emosyonal na pahayag pa ni Abalos.

Emosyonal si Abalos dahil aniya, “who would not be emotional? Even my journey has been quite difficult and very challenging. But these last two days lahat ng blessings pumapasok. And recently, kusa, sabi ko nga ‘yung mga nag-eendorse sa akin, ‘sigurado kayo?’ And sabi nila, ‘yes.’

“I’m very thankful right now for all of these. Walang pinag-usapan, para bang surprise birthday party para sa iyo eh, parang ganoon. The last day of campaign is tomorrow after that tapos na po. And this is very critical time at maraming-maraming salamat talaga,” sambit pa ni Abalos.

At sakaling manalo bilang senador si Abalos, natanong sina Roselle at Ms Boots kung ano ang hihilingin nila rito para sa showbiz?

Sagot ni Roselle, “more than the industry, ang talagang may kailangan talaga ng tulong is ang buong bansa at iyon muna ang unahin natin.

“At naniniwala ako na si Sen Abalos ay subok na sa serbisyo. Subok na ‘yan sa maraming natulungan at nagawa noong siya pa ay mayor, chairman ng MMDA, ay saka DILG. At naniniwala ako sa kanyang kakayahan.

“Siya ang kailangan natin sa senado at siya talaga ang iboboto natin. Iboboto ko siya sa Lunes. Kaya mag-isip naman tayong mamamayan kasi kailangan na natin ng progreso. Napag-iiwanan na tayo ng maraming bansa sa Asia. So, kailangan talaga natin ng isang taong marunong tumupad at marunong magserbisyo sa ating bansa,” giit pa ni Ms Roselle.

Pangako naman ni Abalos, pag-upong-pag-upo niya bilang senador aniya, “ginawa ko na ito 20 years ago when I was a congressman. Uunahin ko ang koryente natin na alisan ng tax o buwis. Twenty years ago tinayuan ko, tinutulan ko ang pagpatong ng buwis. Bakit? Once tumaas ang koryente, tataas ang tubig, bilihin. Lahat tataas. Tataas ang overhead, mawawala ang mga kompanya, lilipat ng ibang bansa.

“Past forward 2025, pangalawa tayo sa pinakamahal na koryente sa buong Asean Region.

“Pangalawa, patong-patong ang buwis hindi lang isa,12 percent generation charge, 12 percent transmission charge, 12 percent distribution charge at may iba pang charge. On record, ipinapangako ko, babawasan natin ito kung kailangan natin tanggalin, aalisin natin. Kung bakit? Once bumaba ang koryente, dadami ang manufacturing firms, ‘yung sinasabi nilang industrialization dadami ang trabaho at gagaan ang pagbayad ng bawat Filipino.

“Tungkol naman sa pagkain, rice tarification. ‘Yan ginawan ko na rin ng programa kasi mahirap sa sariling bansa hindi kayang pakainin ang sarili. Ayaw kong mangyari na lahat ng taniman natin maging subdivision balang araw. Kapag nangyari iyon maniwala kayo ultimo sarili hindi kayang pakainin. Mahaba pa ito pero just to show you how sincere I am binibitawan ko ito sa harap ng kamera.”

Sinabi naman ni Ms Boots Anson-Rodrigo, “even before na nag-serve si Sen Abalos as chairman of MMDA at lalong-lalo na nang pumasok siya sa DILG, alam na niya ang mga problema natin (showbiz industry). Even sa MMFF before every year umaabot iyon sa kanya, itong nakaraang dalawang taon hindi lang very active kahit hindi na siya ang MMFF head, si Sen Abalos remain very very relevant and concern about specifically taxation in the industry kaya hindi ko makakalimutan … pati mga foreign counterparts hindi lamamg hihinto sa exemption o reduction ng amusement taxes during the Metro Manila Film Festival and all year round kung aalisin ang taxation na ‘yan o mababawasan para sa kapakanan ng mga producer.”

Saad naman ni Atty Keith Monteverde, nais nilang ipagpatuloy ang legacy na iniwan ng kanyang lolang si Mother Lily Monteverde

Ano Keith, isa si Abalos sa mga politikong nakilala niya sa maikling pananahong pananatili niya sa bansa. Last year lang kasi dumating sa ‘Pinas ang apo ni Mother Liky para tulungan si Roselle sa pagpapatakbo ng Regal Entertainment.

I haven’t been in the Philippines for a long time now, but in that time, I’ve gotten to know him (Abalos), what he stands for and I know that he will do great things for our country,” saad ni Keith.

Ang pagharap ni Abalos kanina sa entertainment media ay sinuportahan din nina MMDA Chairman Romando ArtesDondon Monteverde ng Reality Films, direk Perci Intalan ng IdeaFirst, ang aktor na si Nico Antonio bilang representative ng kanyang ina at producer ding si Atty Joji Alonso ng Quantum, at Phoebe Walker, representative ng Viva Entertainment.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andre Yllana Jomari Yllana

Andre ‘di kailangang magpaalam kay Jom sakaling magpapa-sexy

RATED Rni Rommel Gonzales SINO ba naman ang makalilimot sa mga hubad na larawan noon …

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

As The Moth Flies big winner sa FAMAS Short Filmfest

RATED Rni Rommel Gonzales SUCCESSFUL ang kauna-unahang FAMAS Short Film Festival kamakailan sa Music Museum sa Greenhills, …

Ashley Ortega PBB

Ashley nabiyayaan ng maraming project pagkalabas sa Bahay Ni Kuya

RATED Rni Rommel Gonzales NAGING housemate si Ashley Ortega sa loob ng tatlong linggo sa Bahay Ni …

Toni Co

Produ ng Ikalawang Ina nag-P.A. muna bago nag-artista

MATABILni John Fontanilla BAGO pinasok ang pag-arte, naging production assistant muna si Toni Co ng …

Pia Wurtzbach Jauncey Jeremy Jauncey

Pia ayaw nang gamitin ang apelyidong Wurtzbach

MATABILni John Fontanilla MARAMING netizens ang nagulat at nagtaka na ‘di na ginagamit ni 2015 Miss …