SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez
OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle Dolls sun screen, Zero Filter.
Kasabay din kahapon ang pagpirma ni Dennis ng kontrata bilang Belle Dolls ambassador na ginanap sa Grand Ballroom ng Solaire North, Quezon City.
Endorser din ng Beautederm ang asawa niyang si Jennylyn Mercado. Si Jen naman ang endorser ng facial care ng Beautederm na Threemendous TRIO serums, ang Cristaux Vitamin C, Cristaux Hydra Beauty, at Cristaux Retinol.
At dahil Belle Dolls and pangalan ng beauty product na ineendoso ni Dennis natanong ito kung hindi ba siya natatakot o naiilang dahil pangalan ng babae ang produkto.
Sagot ng aktor, hindi siya natatakot mag-endoso ng isang skin care product ng Belle Dolls dahil walang pinipiling edad o gender ang pag-aalaga sa balat.
Sinabi rin ng mahusay na aktor na hindi isyu sa kanya kahit babaeng-babae ang pangalan ng produkto at brand.
Ni hindi nga nagdalawang-isip si Dennis na i-endorse ang mga produkto ng Belle Dolls kahit pa nga sinasabi ng iba na pang-babae lang ang mga ganitong beauty product.
Ang importante kasi kay Dennis ay kung ano ang nagagawa ng produkto sa consumers at talaga namang napatunayan niya na maganda ang resulta sa kanya ng Belle Dolls products lalo na nga ang Zero Filter Sunscreen.
Hindi rin itinago ni Dennis na naimpluwensiyahan siya ngg kanyang asawa sa paggamit ng mga beauty product ng Beautederm.
“Kung ano ‘yung effective kay Jen,‘pag nakita ko, isine-share niya sa ‘kin. Kapag naging effective sa akin, tinutuloy-tuloy ko na ang paggamit.
“Malaki ang impluwensiya sa akin sa akin ni Jen sa pagkakaroon ng skin care routine,” pag-amin pa ni Dennis.
Hindi naman itinanggi ni Dennis na may mga tuksong dumarating pero subok na ang tibay ng kanilang pagsasama.
“Feeling ko, talagang na-master na namin ‘yung isa’t isa, kilala na namin, kaya siguro harmonious na kaming nagsasama,” anang aktor.
Ibinahagi naman ni Ms Rhea ang dahilan kung bakit si Dennis ang napili niyang maging endorser ng Belle Dolls.
“Kailangan din nating pagamitin talaga ‘yung mga lalaki. Literal na nag-survey ako, ‘yung mga lalaki, kung ano ‘yung sabon sa mukha, ‘yun na rin ang sabon sa katawan hanggang sa ibaba.
“Gusto kong i-push ang mga lalaki na gumamit, gaya ni Dennis, ang daming series, ang daming pelikula. Nakakalimutan natin na ang the best anti-aging secret ay sunscreen,” giit ni Ms Rhea.
Puring-puri rin ni Ms. Rhea si Dennis na katulad ni Jennylyn, kahit big stars ay napakabait daw.
At simula nang i-introduce kay Dennis ang Belle Dolls, mas naging conscious siya, lalo na ang paglalagay ng sunscreen.
Sa ngayon, ginagawa nina Dennis at Jen ang kanilang bagong series, ang action-drama na Sanggang-Dikit.
Atdahil Mother’s Day sa Linggo, hiningan ng mensahe si Dennis para sa kanyang mahal na asawa.
“Message ko sa kanya, sa lahat ng mga mommies na rin — bilib ako sa mga nanay,
“Dahil napakahirap ng trabaho nila. Mabuhay kayong lahat!
“Maraming salamat sa pag-aalaga niyo sa mga anak. Sa lahat ng paggabay niyo, pagturo ng mga mabubuting asal.
“Saludo ako sa mga nanay, saludo ako sa inyo! Nirerespeto ko kayo at mabuhay kayo!
“Happy Mother’s Day sa inyo!”