Sunday , May 25 2025

Nasunog na bahay sa QC ‘hinihinalang’ POGO hub

050825 Hataw Frontpage

ni ALMAR DANGUILAN

INIIMBESTIGAHAN ang posibilidad na ginawang POGO hub ng dating kawani ng POGO, isang Chinese national, ang nirentahang ikatlong palapag ng bahay na nasunog sa Quezon City nitong Martes ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Quezon City Police District (QCPD) bandang 4:05 ng madaling araw, 6 Mayo, nang masunog ang tatlong palapag na gusali sa Sampaguita St., Bgy. Batasan Hills, Quezon City.

Ang gusali na pag-aari ng isang alyas Angelito at nirentahan ng isang Chinese national ang ikatlong palapag noong 3 Abril ng taong kasalukuyan.

Sa ulat, nang maapula ang apoy bandang 4:42 ng madaling araw, at magsagawa ng moping operations, nadiskubre ng mga operatiba ng Batasan Police Station 6, District Anti-Cybercrime Team (QCDACT) at District Intelligence Division (DID-QCPD), ang iba’t ibang electronic device at materyales sa ikatlong palapag na nirerentahan ng Chinese.

Narekober sa nasunog na unit ang tatlong desktop computer, dalawang CPU, isang Huawei router, isang laptop, isang mobile phone, 5,757 SIM card, at siyam na text blaster device.

Nakuha rin sa lugar ang isang Chinese passport na may pangalang Liu mula sa Chongqing Province, China.

Sa koodinasyon sa Bureau of Immigration (BI), si Liu ay dumating sa bansa noong 22 Pebrero 2025, may hawak na 9G visa, no derogatory record on file.

Ayon kay QCPD public information office chief, P/Maj. Jennifer Gannaban, nakabakasyon umano ang nasabing Chinese nang mangyari ang insidente.

Sinabi ni Gannaban, base sa initial assessment ng ACG, si Liu ay kabilang sa mga na-terminate na empleyado ng POGO.

“POGO employee po kasi may notebook na nakuha…’yung template ng message ay para sa social media na posibleng ipinadadala sa target victims, once na sumagot ka doon…makukuha na ang data mo,” paliwanag ng PIO chief.

“Rest assured, QCPD is working closely with relevant agencies to determine the full extent of this incident and hold those responsible accountable. We will not allow any activity that poses a threat to public safety or national security. We also urge the public to report any suspicious activity in their communities,” ayon kay QCPD Deputy District Director for Administration/Officer-in-Charge, P/Col. Randy Glenn Silvio.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 1, PNRI Strengthen Local Capacities on Radiation Safety and Emergency Preparedness

DOST Region 1, PNRI Strengthen Local Capacities on Radiation Safety and Emergency Preparedness

The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), in partnership with the …

PRO3 LUMAHOK SA PNP DISASTER RESPONSE EQUIPMENT INSPECTION Ipinamalas ang kahandaan at pagtugon sa kalamidad

PRO3 LUMAHOK SA PNP DISASTER RESPONSE EQUIPMENT INSPECTION  
Ipinamalas ang kahandaan at pagtugon sa kalamidad

BUONG giting na ipinamalas ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang kanilang kahandaan sa pagtugon …

Pacquiao vs Barrios

Pacquiao magbabalik sa ibabaw ng ring

ni Marlon Bernardino MULING sasabak sa ibabaw ng ring si Manny Pacquiao matapos ang apat …

Patani Dano

Patani Dano nalungkot nang ‘di ini-renew ng Sparkle

ISA sa maituturing na masuwerte sa naging katas ng Survivor Philippines Batch 1 ang komedyanang si Patani Dan̈o, na …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Frankie Yaya Irish Miel Miguel

Pamilya ni Sharon sinamantala bakasyon sa NY para makapag-bonding

MA at PAni Rommel Placente MAY sorpresang  regalo si Sharon Cuneta sa graduation ng anak na si  Kakie.  …