Kristel Fulgar Ha Su-hyuk

Kristel Fulgar ikinasal na sa Korean boyfriend 

MATABIL
ni John Fontanilla

IKINASAL na ang Actress at social media star Kristel Fulgar sa kanyang Korean Boyfriend na si Ha Su-hyuk last  Saturday, May 10, sa Luna Miele, Seoul.

Kitang-kita sa mukha ng former Goin’ Bulilit star ang labis-labis na kasiyahan. Suot nito ang isang napakagandang off-shoulder gown na may beadwork at sequins, Habang suot naman ni Su-hyuk ang napaka-eleganteng classic tux.

Nagsimula ang pag-iibigan nina Kristel at Ha Su-hyuk noong November 2024 nang magpa-convert sa relihiyong Iglesia ni Cristo si Ha na siyang relihiyon ni Kristel at na -engage naman sila last February.