Friday , May 23 2025
Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Keith Monteverde Roselle Monteverde 

Sharon naiyak sa suporta ni Roselle Monteverde 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

WALANG patid sa pagluha si Sharon Cuneta nang humarap sa entertainment press kasama ang asawa at tumatakbong senador, Atty. Francis “Kiko” Pangilinan. Sobrangna-touch si Sharon sa ibinigay na suporta ni Roselle kasama ang anak na si Atty Keith Monteverde.

Humarap ang mag-asawang Sharon at Kiko sa ipinatawag na media conference ng Regal Entertainment producer kahapon sa Valencia Events Place bilang suporta sa kandidatura ni Kiko na tumatakbong Senador ngayong May 12 elections.

Ani Sharon hindi niya maiwasang hindi maiyak o maging emosyonal dahil naalala niya ang pagmamahal at kabutihan ng yumaong Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde.

Aniya, napakalaki ng utang na loob niya kay Mother dahil noong mga panahong malaki ang kanyang timbang at walang nagbibigay ng proyekto, inalok siya ni Mother Lily ng pelikula.

Isa rin si Mother Lily sa laging naka-suporta sa pagtakbo ni Kiko sa tuwing tumatakbo ito sa politika.

Isa pa sa  nakapagpapalungkot kay Sharon ay ang katakot-takot na pambabatikos sa kanyang asawa gayundin sa kanyang pamilya dahil sa politika.

Sinabi pa ni Sharon na ang fake news at misinformation sa publiko ang isa sa pinakamalaki nilang kalaban na gawa-gawa ng mga troll.

I never liked politics kasi nga, in the Philippines, pagkaganda-ganda man ng intensyon mo, pagkaayos-ayos man ng puso mo, natatalo ka ng fake news. At saka ang budget ng ibang kandidato ay bilyon-bilyon na wala naman kami.”

Iginiit pa ni Sharon na, “Lahat ng mayroon kami, pinaghirapan naming dalawa.”

Kaya naman napapatanong si Sharon sa mga botante.

“Bakit po ba ayaw n’yong iboto si Kiko? Ano po ‘yung doubts ninyo? Kasi lahat ng kasinungalingang inilalabas against him, may resibo kaming katapat. Mayroon kaming magpapasawalang katotohanan doon sa mga ibinibintang nila, paninira nila.

“Siguro, bilang asawa niya at nanay ng mga anak niya, ang pride kasi namin, dahil doon sa matinong pagkatao namin. Wala namang perpekto, ‘di ba, lalo tayo sa showbiz, Diyos ko po! Pero maayos ang pinanggagalingan namin, maayos kaming pinalaki ng mga magulang namin.”

Nagpapasalamat naman ni Sharon na nagkaroon siya ng asawang tulad ni Kiko.

“Napaka-blessed ko dahil binigyan ako ng asawang hindi ako sasaktan at magiging mabuting ama. You know, Kiko doesn’t have a lot but everything he has, he gives to us.

“This is also his heart for the country, kasi ‘di naman kami yumaman sa politika. He served for over two decades. Wala kaming inasenso. Nagtatrabaho pa rin kami. At 59,  I still works because my husband still works because we think of our children. Everything we have has come from honest hard work,”naluluhang sabi pa ni Sharon.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat naman si Kiko na mataas ang resulta ng survey niya at lagi siyang nasa top 12. Malaki rin ang pasasalamat niya sa celebrities na boluntaryong sumusuporta sa kandidatura ni Kiko  tulad nina Vice Ganda, Iza Calzado, Darren Espanto, Enchong Dee, Ogie and Regine Alcasid,  Anne Curtis, Janine Gutierrez, Maja Salvador, Jolina Magdangal, Parokya ni Edgar, Robi Domingo, Nadine Lustre at marami pang iba.

Sinabi naman ni Ms Roselle na buhay pa man noon ang kanyang inang si Mother Lily ay sinusuportahan na nito ang kandidatura ni Kiko.

My mom has been an advocate for giving good governance for our country.

As children of Mother, we just wanna continue the legacy that she left us because she loves this country a lot. Love rin niya ang showbiz industry. Love rin niya kayong lahat. And we’re here to support Kiko because we believe in him,” giit pa ni Roselle.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nadine Lustre Leila de Lima

Nadine kinampihan ni Leila de Lima 

I-FLEXni Jun Nardo NAKAHANAP ng kakampi ang aktres na si Nadine Lustre kay ML Party List representative na si Leila …

Jen Boles Tres Chic Luxury Original

Tres Chic ni Doc Jen Boles nagbibigay trabaho sa mga artista

NAPAKA-POSITIBO ng outlook sa buhay ng aktres, businesswoman na si Doc. Jhen Boles ang CEO & Presidente ng Tres …

Nadine Lustre

Nadine nagsampa ng reklamo sa mga abusadong social media users

NAGSAMPA ng reklamo si Nadine Lustre kaugnay sa Safe Space Act dahil sa natatanggap niyang malisyosong mensahe …

Moulin Rouge The Musicale

Moulin Rouge: The Musicale pasabog sa Rampa grand reopening

MULI na namang ile-level-up ng Rampa Drag Club ang landscape ng LGBTQ+ nightlife ng bansa sa opisyal …

Kathryn Bernardo Zion Massage Chair Zion Soothing Haven Inc

Kathryn natagpuan na ang kanyang  ‘The One’

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAHANAP na ng Asia’s Superstar at Box Office Queen, Kathryn Bernardo ang kanyang …