Monday , August 8 2022
JC Santos Beautéderm BeautéHaus Rhea Tan Shyleena Herrera

JC Santos handa na uling mag-topless
(Thankful sa alaga ng BeauteHaus) 

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

 BUONG ningning at full of confidence na inihayag ni JC Santos na handa na siyang mag-topless ulit sa kanyang susunod na pictorials, TV, at movie projects ngayong gumanda na ulit ang hubog ng kanyang katawan matapos sumailalim sa non-invasive body sculpting at slimming treatments sa ineendoso niyang BeauteHaus clinic.

Noong 2018 and 2019 ‘yun ang panahon na pinakagusto ko ‘yung katawan ko lalo na when I was doing the film ‘Motel Acacia.’ I think gusto kong ibalik ‘yung ganoong katawan ko noong time na iyon. Gusto kong bumalik ‘yung katawan ko na slim ulit, na pasok sa camera, magandang tignan sa mga shadow at saka mas marami kang role na pwedeng gawin kapag andoon ka sa state na ‘yun. Maybe at the end of this month puputok na ulit ‘yung mga abs ko. Ready na ulit akong mag-topless! Naging dad bod po kasi eh!”

Ito nga ang inihayag ni JC sa press launch na inorganisa ng BeauteHaus at Beautederm Group of Companiespara sa kanila ng kanyang misis na si Shyleena Herrera para pormal na ipakilala sila bilang brand ambassadors ng BeauteHaus na ginanap noong June 26 sa Marriott Hotel sa Angeles, Pampanga.

Ang main concern ni JC ay maalis ang kanyang “dad bod” dahil sa pagiging daddy sa baby girl nila ni Shyleena kaya naman sumailalim siya sa ilang procedures sa BeauteHaus gaya ng Lipodissolve at M-Shape – na non-invasive body sculpting at slimming treatments. Sumailalim din si JC sa Beautétox para sa kanyang wrinkles  at ang Exilift na tinatanggal ang dark circles, puffiness, at wrinkles sa kanyang mga mata. 

“Kahit kaming mga lalaki ay dapat umeffort para maging maayos ang aming itsura,” bulalas ni JC. “Bilang isang actor, it is my responsibility to take care of myself especially now that I am also busy taking care of my little girl. I work long hours and the stress of the job is taking a toll on my appearance. Maligaya at grateful po ako dahil swak na swak ang treatments ko sa BeautéHaus sa aking workouts at healthy diet.”

Tamang-tama ang ginagawang pagpapaganda ng katawan ni JC dahil malapit na siyang mag-taping ng pinakabago niyang teleserye sa ABS-CBN na Dirty Line kasama sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo.

Thankful naman sina JC at Shyleena kay Beautederm CEO and President Rhea Anicoche Tan sa pagkuha sa kanilang mag-asawa bilang brand ambassadors ng BeauteHaus. 

“I just want to say na we’re so grateful na kinuha kami ni Ms. Rei (palayaw ni Rhea) rito sa BeauteHaus. This is an overwhelming feeling kasi minsan lang po ako magkaroon ng ganitong endorsement and at least may nagtiwala,” sabi ni JC.

Dagdag naman ni Shyleena, “Nakaka-overwhelmed po na magkasama kami ni JC in endorsing BeauteHaus. Hindi ko po naisip o inakala na magkakasama kaming mag-asawa sa isang endorsement. Kaya thank you po Ms. Rei!”

Si Ms. Rhea naman ay bumilib sa pagiging humble lalo na ni JC na isa sa kanyang hinahangaang artista dahil sa gumaling umarte. Maligayang-maligaya rin siya  ngayong bahagi na sina JC at Shyleena ng BeauteHaus at Beautéderm Group of Companies 

“BeautéHaus started as a side hobby of mine. I initially bought all the machines for my personal use until I decided to open the clinic. I didn’t realize how successful the clinic is until several years ago. Excited ako ngayong kasama na namin sina JC at Shyleena lalo na ngayong naghahanda kami sa paglipat ng clinic sa isang mas malaking espasyo sa Beautéderm Corporate Center na magiging bahagi ito ng lifestyle hub na ilulunsad namin ngayong taon,” ani Ms. Rhea.

Itinatag ni Ms. Rhea noong 2016, ang BeauteHaus ay isang subsidiary ng Beautéderm Group of Companies at itinuturing itong isang major beauté hub sa Angeles City, Pampanga.

Ipinagmamalaki ng clinic ang isa sa pinakamahuhusay na medical teams sa Northern Luzon na dalubhasa sa larangan ng dermatology. Kompleto rin ito sa mga latest top-of-the-line, cutting-edge machines at equipment sa larangan ng aesthetic medicine. 

Sa nakalipas na anim na taon, libo-libo na ang mga pasyenteng nagtitiwala sa BeautéHaus dahil sa mga signature procedures nito gaya ng Beautédrip’s, Snow White Laser, Beauté Rejuve Laser with Beauté Glow Peptide, Ultimate V-Lift, Beauté Hifu at marami pang mga paboloso at life-altering na mga treatment.  

Ngayon, ang center ay ang isa sa pinaka-pinagkakatiwalaan na dermatological at aesthetic clinic ng mga taga-Angeles City gaya na lamang ng mga fashion designer  na sina Marlon Tuazon, Frederick Policarpio, at Michelle Viray; ang top OB-GYNE ng Central Luzon na si Dr. Rowena Mangubat; ang creative director na si Lance Tan; ang businesswoman na si Isabel Lim; ang marketing executive at lifestyle journalist na si Joanna Ning Cordero; ang Clark International Airport Corporation Vice President for Operations na si IC Calaguas; ang Executive Assistant IV to the Office of the Mayor of Angeles City na si Reina Manuel; at ang event planner na si Voltaire Zalamea – na lahat ay ambassadors ng Beautéderm Group of Companies na bahagi ang clinic at ang Beautéderm at kasama rin ang celebrity make-up artist na si Mariah Santos at ang internationally acclaimed fashion designer na si Mak Tumang na mga endorser naman ng Beautéderm.  

About Glen Sibonga

Check Also

Krystall Herbal Oil Krystall Herbal Nature Herbs Krystall Yellow Tablet

Volunteer health worker alagang Krystall handog sa mga inaaalalayan

Dear Sis Fely Guy Ong,                Datnan po sana kayo ng liham na ito na …

DiskarTech

Mobile app para sa madiskarteng Pinoy

Naghahanap ka ba ng kasama sa iyong pag-asenso? Nandito ang DiskarTech para sa iyo! Ang …

Tommie Mopia Gawad America award

US base entrepreneur/producer Tommie Mopia Gawad America awardee

RATED Rni Rommel Gonzales IPINANGANAK at lumaki sa Pilipinas, sa Iloilo, si Tommie Mopia at nag-migrate sa …

Bianca Umali Ruru Madrid

Ruru nanghinayang, Bianca mag-isang rumampa

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT hindi nakadalo si Ruru Madrid sa GMA Thanksgiving Gala noong July 30, inihayag ng …

Tonton Gutierrez Gil Cuerva Gabby Garcia Khalil Ramos

Tonton natameme sa galing ni Gil Cuerva

COOL JOE!ni Joe Barrameda REVELATION si Gil Cuerva huh. Nahasa na sa galing umarte.  Dati walang kalatoy-latoy …