Thursday , June 25 2026
Aljur Abrenica Kylie Padilla

Kylie tinuldukan na ang relasyon kay Aljur 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MALIWANAG na ang binitiwang salita ni Kylie Padilla, na kung kayo ay nag-split na ng iyong ex, at nagkaliwanagan na kayo sa lahat ng bagay, ibig sabihin nagkaroon na kayo ng closure, wala nang balikan iyon.

Ibig sabihin, wala na ring maaasahan pa ang mga nagsasabing kung liligawan lamang muli ni Aljur Abrenica ang kanyang asawa, dahil may dalawang anak din naman sila, maaari silang magkasundo pa. Ngayon tinuldukan na iyon ni Kylie at sinabing wala na ngang posibilidad.

Nang tanungin si Kylie kung may manliligaw na ba siyang iba ngayon, sinabi niyang wala pa.

Maliwanag din namang statement iyan, na ibig sabihin posible na dumating ang isang araw na tumanggap siyang muli ng ibang manliligaw, lalo na’t kung maipa-annul na niya ang naging kasal nila ni Aljur.

Iyan na ang katapusan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …