Friday , June 2 2023
Mariz Racal

Maris na-enjoy ang audition sa Darna

PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga

INAMIN ni Maris Racal na isa siya sa mga nag-audition para sa role ng Pinay superhero na si Darna. As we all know, napunta ang role kay Jane de Leon na nagte-taping na.

Lahat naman yata dumaan, parang ipina-try. Oo, nag-try din ako. Nag-try din ako magsuot ng costume. It was fun, grabe. Super dami namin noon,” rebelasyon ni Maris sa interview niya sa PEP.

Pero tumanggi si Maris na pangalanan ang iba pang aktres na nakasabay niya sa audition. Sa halip ay inilahad na lang niya ang kanyang karanasan sa audition.

Na-enjoy ko siya kasi exciting ‘yung fact na nag-o-audition ka for ‘Darna,’ and ‘yung lines, ‘yung rush niya. Masayang experience naman siya. ‘Yung mga ganoong moments, dapat happy ka lang or chill ka lang. Gawin mo lang kung ano ‘yung ipinagagawa nila,” ani Maris.

Hindi man niya nakuha ang role, happy si Maris para kay Jane.

Hindi man si Darna, pangarap pa rin ni Maris na makaganap na superhero sa pelikula.

Dream ko rin talaga magkaroon ng superhero movie. Kakanood ko ito ng Marvel. Gusto ko na tuloy na may superpower.” 

About Glen Sibonga

Check Also

Eat Bulaga Dabarkads

TVJ, Eat Bulaga nagbabu na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGPAALAM na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba …

Bruce Roeland Vic Sotto

Newbie star ‘di makapaniwalang makakasama si Vic Sotto

RATED Rni Rommel Gonzales IN shock pa rin ang guwapong Sparkle star na si Bruce Roeland dahil kasama siya …

Jake Cuenca

Jake Cuenca nagkakasakit na sa dami ng trabaho

RATED Rni Rommel Gonzales NANININDIGAN si Jake Cuenca na loveless pa rin siya hanggang ngayon. Bida sina …

Romnick Sarmenta Ice Seguerra

Romnick fun experience ang mahalikan si Ice Seguerra

ni Allan Sancon MATAPOS manalo bilang Best Actor ni Romnick Sarmenta sa 1st Summer Metro Manila Film Festival sa …

Sunshine Cruz Unbreak My Heart

Sunshine napa-Naku po Lord, Ayoko nang tanungin sa lovelife 

KUNG dati’y open si Sunshine Cruz sa mga nagaganap sa kanyang buhay-pag-ibig ngayo’y alumpihit na siya sa …