Monday , February 26 2024
Sunshine Guimary Park Chanyeol

Kaka ni Sunshine tinalbugan ang The Box ni Park Chan-yeol

(ni DANNY VIBAS)

May reputasyon ang baguhang si Sunshine Guimary na hubad kung hubad at sex kung sex. At ‘yon marahil ang dahilan kung bakit ang Kaka n’ya sa Viva Max ay natalbugan sa viewership ang The Box ni Park Chan-yeol na miyembro ng K-pop band na EXO. Sa Viva Max din ipinalabas ang The Box. 

Tungkol sa struggling pero mahusay na singer ang kuwento ng The Box. Takot ang singer na mag-perform sa harap ng mga tao kaya kumakanta siya sa loob ng empty refrigerator box.

Marami nga siguro tayong mga kababayan ang buryong na buryong na sa pagkakakulong sa bahay kaya patol nang patol sa ano mang pelikulang may umaatikabong sex. ‘Di kaya sila nanghihina sa libangan nilang ito?

Pero matinding pelikula rin siguro ang The Box dahil pumangalawa pa ito sa sex movie ni Sunshine gayung inspirational daw ang The Box at walang sex.

Sa direksiyon ni Darryl Yap ang Kaka. Si Darryl na yata ang pinakaabalang direktor ng pelikula sa bansa. Parang neck-and-neck ang labanan nila ng senior citizen nang si Joel Lamangan.

Sa July ay ipalalabas na rin ang Gluta ni Direk Darryl na tungkol naman sa mga Aeta. Kaunti lang siguro ang sex sa pelikula, dahil ang pinakakuwento nito ay tungkol sa isang Aeta na ang pinakamatinding pangarap ay maging beauty queen. Ang dating child actress na si Ella Cruz ang gumaganap sa babaeng ‘yon. Siyempre pa, kinulapulan muna siya ng black make-up sa panahong nasa bundok pa ang Aeta na ginagampanan n’ya.

As usual sa mga pelikula ni Darryl, may mga netizen na naman na ngitngit na ngitngit sa Gluta kahit ‘di pa nila ito napapanood. Malamang daw na pang-aalipusta sa mga kababayan nating Aeta ang pelikula ni Darryl.

Alam n’yo bang kung may direktor na makakakilala nang husto sa mga Aeta, ‘yon ay walang iba kundi si Darryl. Tubo at laking Olongapo si Darryl at sa Zambales may pinakamaraming Aeta. At marami sa kanila ang madalas bumaba sa Olongapo at may ilan sa kanila na sa syudad na ‘yon na rin naninirahan. Hindi naman siguro sisiraan ni Darryl ang maituturing na mga kasyudad na rin n’ya.

Nasa cast din ng Gluta sina Marco Gallo, Rose Van Ginkel, Juliana Parizcova Segovia, Jobelyn Marie Manuel, Loren Montemayor Marinas, Arlene Muhlach, at Cristina Gonzalez.

(DANNY VIBAS)

About Danny Vibas

Check Also

Zara Lopez Reece Sapphire

Zara Lopez focus sa pagiging ina kina Reece at Sapphire,  tuloy pa rin as vlogger/influencer

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MARAMI ang nagulat nang naghiwalay nang landas sina Zara Lopez …

Nadine Lustre

Nadine patok ang pa-two piece habang nakahiga sa kama

MATABILni John Fontanilla TRENDING sa social media ang larawang ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram account. Isang black …

Lolit Solis Kathniel

Lolit pinayuhan KathNiel fans mag-move on kasabay ng kanilang mga idolo

MA at PAni Rommel Placente AWARE si Lolit Solis na hanggang ngayon ay hindi pa nakaka-move on …

Janice de Belen Snooky Serna Sharon Cuneta Gabby Concepcion

Janice kay Gabby—Wala akong galit, we’re friends; Sharon nag-sorry

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Janice de Bellen sa YouTube channel ni Snooky Serna ay binalikan …

Take Me to Banaue Slay Zone After All

Sparkle artists hataw ngayong Pebrero

RATED Rni Rommel Gonzales SA big screen naman nagpapamalas ng galing sa pag-arte ang mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *