Thursday , January 27 2022

Janella, pilit na pinaaamin ng netizens na nanganak na

TALAGANG pinupuwersa ng ilang fans si Janella Salvador na ipakita kahit sa social media ang kanyang naging anak. Hindi naman umaamin si Janella na nabuntis nga siya ng kanyang boyfriend na si Markus Paterson, pero siya kasama ang buong pamilya niya, ay nasa UK mga ilang buwan na. May nagsasabing nabuntis nga siya at doon siya nanganak sa UK.

Siguro nga dahil ganoon, madaling sundin ng kanilang anak ang citizenship ng ama niyon. Pero ang punto, hindi pa naman inaamin ni Janella o maski ni Markus na nagbuntis nga siya. Bagama’t sinasabi nga ng ibang sources na nakatakda siyang manganak noon pang nakaraang buwan.

Lalong tumibay ang tsismis nang maglabas sa social media si Markus ng isang bagong panganak na bata, at isang babaeng bahagyang nakatago ang mukha na nakahiga sa isang hospital bed, na kahawig daw ni Janella.

Bakit nga ba hindi pa aminin kung totoo naman.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Nadine Lustre Tattoo

Nadine muling nagpa-tattoo sa braso

MATABILni John Fontanilla IPINAKITA ni Nadine Lustre ang bagong dragon tattoo sa kanyang braso na umabot hangang …

Sean de Guzman

Sean miss na ang pagsasayaw
BIBIDA NAMAN SA ISANG SERIES

NAKAUSAP ko si Sean de Guzman lately in a serious note. Totoo palang miss na miss na rin …

Jos Garcia

Jos Garcia apektado ng lockdown sa Japan

MATABILni John Fontanilla LOCKDOWN ngayon sa Japan dahil sa pagtaas ng kaso ng Covid 19 …

Iya Villania Drew Arellano Antonio Primo Alonzo Leon Alana Lauren

Iya, Drew at mga anak okey na

RATED Rni Rommel Gonzales BUMALIK na sa kanyang trabaho sa 24 Oras ang host na si Iya Villania matapos …

Marian Rivera Dingdong Dantes Zia Ziggy

Dingdong at pamilya nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales INIHAYAG ni Dingdong Dantes na nagpositibo siya at ang kanyang pamilya sa coronavirus …

Leave a Reply