Monday , November 29 2021

Ellen DeGeneres, kinaiimbiyernahan na sa Amerika

SA Amerika ngayon, maraming reports sa news websites at mga comment sa social media na nagpaparunggit sa napakasikat na talk show host na si Ellen DeGeneres.

Hindi na sila natutuwa kay Ellen at may ilan pang humiling na kanselahin na ang show n’ya na ang producer ay ang Warner BrosTelevision. May sikat na hashtag na ngayon sa Twitter na #ellenisoverparty na patungkol sa hangarin nilang makansela ang talkshow na  Ellen na mag-17 taon nang tumatakbo.

Pati nga ang staff ng show ay ‘di na natutuwa kay Ellen at sa producer ng show. Abril pa lang ng taong ito, naglabas ng mahabang report ang  Variety na pinayagan si Ellen na sa mansyon na n’ya sa Montecito, California gawin ang taping ng apat o limang episodes ng Ellen DeGeneres show at apat lang na miyembro ng studio crew ang kinuha ni Ellen at ng producer para magtrabaho sa taping sa bahay n’ya.

Karamihan sa crew sa mansyon n’ya ay buhat sa ibang grupo. Umangal ang lumang crew sa ganoong pangyayari at ibinunyag nila sa Variety na matagal bago sila sabihan ni Ellen at ng Warner Bros. Television kung paano sila babayaran noong panahong nagsimula ang kwarantina sa Amerika at pansamantalang natigil ang taping.

Maaaring ang distansyang 85 miles ng Burbank (kung nasaan ang Warner Bros. Television studios) at Montecito sa California (kung nasaan ang mansyon ni Ellen) ang dahilan kung bakit pinalitan halos lahat ng miyembro ng crew pero parang walang ganoong paliwanag na ibinigay sa lumang crew.

Ang napabalitang pagtatanggal sa halos buong dating crew ang posibleng dahilan kaya noong nagpahayag si Ellen ng pakikisimpatya sa Black people sa Amerika dahil sa pagkamatay ni George Floyd noong May 25 ay maraming nainis sa maluha-luhang pahayag n’ya sa video post n’ya sa Instagram. Dahil sa rami ng negative comments sa video post, tinanggal n’ya ‘yon at nagsulat na lang siya ng mensahe.

Maging ang regular media (dyaryo, radio-TV networks, websites) na mas maraming talents at empleadong kapwa ni Ellen na Puti ay ‘di kumbinsidong marunong siyang magmalasakit sa kapwa tao.

Nagsimulang maglabas sa regular media at sa social media noong Abril din ang mga anekdota kung paano tratuhin ni Ellen ang luma n’yang crew. Halimbawa ay bago sila makapasok sa opisina ni Ellen, kinakailangang mag-chewing gum muna para bumango ang hininga nila dahil masyadong sensitive raw ang pang-amoy ng TV host. At ‘pag ‘di raw gusto ng TV host ang amoy ng kahit sinong crew member na lumapit sa kanya o dumaan sa tabi n’ya, inuutusan n’ya itong umalis at mag-shower muna nang mabuti.

Ang totoo n’yan ay ayaw ni Ellen na basta na lang siya kinakausap ng sino man sa crew. May isa pala noon sa crew na alam ng mga kasamahan n’ya na may light autism. Isang araw ay nilapitan nito si Ellen para bumati ng “good evening!” dahil nakaugalian na ng taong ‘yon na batiin ang lahat ng tao sa studio.

Ipinatanggal umano ni Ellen sa trabaho ‘yung tao.

Dahil vegetarian siya, ayaw ni Ellen na makaamoy ng pagkaing karne sa set ng taping n’ya. Kaya hindi nakakakain ng karne ang mga tauhan ng studio tuwing taping n’ya.

May ilang big stars na nag-guest sa show na masama ang loob sa kanya pagkatapos ng taping, dahil bigla silang tinatanong ni Ellen tungkol sa mga bagay na napagkasunduan na ng producers ng show at ng guest na ‘di pa dapat itanong sa kanya.

May isang pagkakataon noong 2010 na nag-guest si Mariah Carey na natsitsismis pa lang na buntis sa asawa n’ya noon na si Nick Canon pero ‘di pa n’ya kino-confirm dahil hindi pa siya handang aminin ‘yon.

Minanipula siya ni Ellen na umamin, pinaglaro siya ng isang challenge. Alam ni Ellen na masama sa mga buntis na uminom ng alak. Bigla siyang naglabas ng kopita ng champagne at sinabihan si Mariah na ‘pag tinungga n’ya ‘yon, patunay ‘yon na ‘di nagdadalantao ang mega-singer. ‘Pag tumanggi siya, ibig sabihin niyon ay may sanggol na sa kanyang sinapupunan.

Tumanggi si Mariah. Ilang linggo lang pagkalipas ay nakunan si Mariah. Mula noon ay ‘di na siya nag-guest sa show.

Noong 2017, ang napakasikat ding si Katy Perry ang namanipula nang balikan ang nakaraan na ‘di na nito gustong maungkat pa: ang pagpapakasal n’ya sa komedyanteng si Russell Brand noong 2010 at pagdidiborsyo noong 2012. Ayaw nang pag-usapan ni Katy ‘yon noong 2017 dahil karelasyon na n’ya si Orlando Bloom.

Si Dakota Johnson ay ang leading lady sa pelikulang naging mega-hit noong 2015 sa Amerika at sa marami pang bansa, ang 50 Shades of Grey, na ang bidang lalaki ay si James Dornan. Noong huling linggo ng November 2019, sinubukan siyang hiyain ni Ellen sa show sa biglang pangkakastigo sa aktres kung bakit ‘di siya kinumbida ni Dakota sa birthday party nito gayung kinumbida n’ya si Dakota sa last birthday party n’ya.

Deretsahang sinabi ni Dakota kay Ellen na , “that’s not the truth” na ‘di siya nakumbida. Ibinulgar pa ni Dakota na sa producer ng show ipinadala ang imbitasyon ni Ellen. Tinanong ng host off-camera ang isa sa staff n’ya kung alam nila na may imbitasyon si Ellen sa party ni Dakota sa Malibu, California. Sumagot ang staff na mayroon nga, pero ‘di nila alam kung saan hahagilapin ang host para sabihin ang tungkol sa imbitasyon. Si Ellen ang napahiya.

At kumalat pa na wala sa California si Ellen noong unang linggo ng October 2019 dahil nakikipag-cowboy party siya kay ex-US President George W. Bush sa Dallas, Texas. Maraming muhi kay Bush dahil sa pagsasangkot n’ya sa mga sundalo ng Amerika sa Iraq War, sa mabagal na pagresponde nito sa kalamidad na dulot ng bagyong Katrina sa Amerika, at sa pagdi-denounce n’ya sa mga miyembro ng LGBTQ.

Maraming regular media at social media outlets ang natuwa sa pagkakapahiya ni Dakota kay Ellen.

Tiyak na maraming Pinoy na concerned kay Ellen at sa talk show n’ya. After all, masasabing pinahalagahan naman n’ya ang talento ng mga Pinoy. Pinag-guest ni Ellen sa show n’ya sina Charice Pempengco at Marcelito Pomoy.

Patuloy naming susubaybayan ang mga susunod pang kaganapan sa buhay at career ni Ellen at sa kanyang talk show.

Sana nga ay intriga lang ang naglalabasan sa Amerika tungkol sa umano’y masasama n’yang ugali at kaplastikang pagpapa-sweet sa harap ng kamera. Rito man sa Pilipinas ay may mga host na pinagbubulong-bulungan na sa harap lang naman ng kamera mabait at magiliw. Pero at saka na lang natin dudutdutin ang mga ganoong Pinoy TV host.

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Angel Locsin

Angel bumweltasa basher: Huy wag kang mag imbento ng issue para may pagtakpan

MA AT PAni Rommel Placente NAG-POST si Angel Locsin ng kanyangreaksiyonsa Instagram post ng ABS-CBN  …

Cassy Legaspi

Cassy nagbabala, Facebook account na-hack

MA AT PAni Rommel Placente BIKTIMA narin ng hacker si Cassy Legaspi. Angkanyang Facebook account …

Kylie Padilla Robin Padilla

Puso ni Robin nakurot sa sulat ni Kylie

KITANG-KITA KOni Danny Vibas NAKABIBILIB ang linaw ng isipan at damdamin ni Kylie Padilla sa …

Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine pa-mysterious na ang lovelife

KITANG-KITA KOni Danny Vibas MUKHANG naghahanda na si Nadine Lustre na tahasang ipinakilala sa madla …

Bela Padilla London

Bela sa London na maninirahan

I-FLEXni Jun Nardo TULUYAN nang lumayas sa Pilipinas si Bela Padilla para para manirahan sa …

Leave a Reply