Tuesday , January 18 2022

Katrina, tanggap na nagkamali

071014 katrina hayden kho
ni Ed de Leon

GANOON din naman iyong statement ni Katrina Halili ngayon. Nang hingan siya ng comment tungkol sa pagbabalik ng PRC ng lisensiya ni Hayden Kho, ang sabi niya ay ok lang iyon dahil masaya na iyong tao. Kung ano man ang desisyon ng PRC, ok lang iyon sa kanya dahil matagal na naman iyon at saka naamin na rin niya sa kanyang sarili na may pagkakamali rin siya.

Simple iyon eh, magkakaibigan sila noong panahong iyon. Kinuha pa siyang endorser ng Belo Medical Group. Alam naman niyang syota ni Dra.Vicki Belo si Hayden, pero pinatulan niya. May nangyari at nakunan pa nga ng video. So, mabuti naman at natanggap na niyang may mali siya noon, dahil pumasok nga rin siya sa isang relasyong malabo eh.

Pero iyong abogado ni Katrina, ang sabi hindi raw siya papayag at iaapela pa sa korte ang desisyon ng PRC. Aba kung gagawin niya iyan, magagastusan na naman si Katrina. Mahirap talaga kung minsan at iyong abogado ang nagbibigay ng statement eh.

About Ed de Leon

Check Also

Yasmien Kurdi

Yasmien at anak na si Ayesha nagpositibo sa Covid

RATED Rni Rommel Gonzales MAY paalalang hatid ang former Las Hermanasstar Yasmien Kurdi sa mga magulang, matapos niyang …

Heart Evangelista

Heart nilektyuran aroganteng netizen na kumuwestiyon sa ‘di pagbubuntis — Ayoko!… Not your uterus

RATED Rni Rommel Gonzales MISTULANG nakatanggap ng lecture kay Kapuso star Heart Evangelista ang netizen na nagtanong kung bakit …

Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Matinee idol confident na babalikan ni dating GF at ka-live in

HATAWANni Ed de Leon AYON sa kuwento ng isa naming source, confident ang isang dating sikat …

Annalyn Manalo Jose Manalo

Asawa ni Jose na si Annalyn yumao na

HATAWANni Ed de Leon NABALITA lamang iyon nang ilabas na sa social media ng kanyang …

Alodia Gosiengfiao Wil Dasovich

Alodia at Wil nagpatutsadahan, hiwalayan mahiwaga

I-FLEXni Jun Nardo TAHIMIK lang na naghiwalay ang celebrity chef na si Jose Sarasola at girlfriend na …

Leave a Reply