Monday , October 28 2024

Sharon-Gabby team up, wala ng magic

072514 Sharon Gabby
ni Ed de Leon

MAY mga naririnig kaming may balak daw talagang pagsamahin sa isang pelikula ang dating mag-asawang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Siguro nga ang inaasahan nila, nariyan pa iyong mga dating Sharon-Gabby fans na nakagawang malalaking hits ng mga pelikula nila noong araw, after all hindi pa naman siguro masyadong matatanda ang mga iyon.

Siguro iniisip nila na baka riyan makabawi naman si Sharon matapos siyang magkamali ng diskarteng lumipat ng ibang network, na kumita nga siya ng malaki pero lalo namang walang nakapanood ng shows niya dahil sa mahinang signal. Hindi natin maikakaila na bumaba ang popularidad si Sharon nang mapunta siya sa ibang network.

Si Gabby naman ay hindi na ganoon kalakas ang following simula nang magbalik matapos ang pagkawala sa showbusiness ng 13 taon. Maging ang pelikulang pinagsamahan nila ng kanyang anak na si KC Concepcion na inaasahan nilang aangat lalo na’t inendoso pa nga rin ni Sharon ay bumalibag pa rin. Kaya nga si Gabby ngayon supporting roles na lang ang ginagawa, pero siguro umaasa silang kung si Sharon ang leading lady baka sakaling maging bida pa siya.

Pero kung kami ang tatanungin, mukhang wala nang magic ang tambalan nila. Wala na kasing romantic angle na siyang nagdala sa kanilang team up noong araw. May iba nang pamilya si Sharon. Si Gabby naman ilang beses na nga bang nagpakasal ulit matapos na mahiwalay kay Sharon? Bukod sa megastar, tatlong iba pang babae ang naanakan niya. Ano pang romantic angle ang maiisip ninyo roon?

Kung sa bagay kanya-kanyang opinion iyan, pero kung kami ang tatanungin, parang mas naniniwala kaming magiging ok pa iyong nauna nilang balak na ang pagtambalin sa pelikula ay si Sharon at si Richard Gomez. Mukhang mas kikita pa iyon. Kasi tingnan naman ninyo ang track record ni Goma hanggang ngayon, malakas pa rin ang following. May nabitin pang project noon si Sharon na makakasama si Aga Muhlach, ok din siguro iyon. Pero iyong Sharon-Gabby, may papatos pa ba roon?

About Ed de Leon

Check Also

Kobe Paras Francis Arnaiz

Kobe Paras mala-Francis Arnaiz ang dating

HATAWANni Ed de Leon TALAGA namang sa ngayon isa si Kobe Paras doon sa mga eligible bachelor …

Gerald Anderson Angel Locsin Nora Aunor Marco Gumabao

Angel, Gerald nami-miss sa mga ganitong kalamidad; Nora, Marco maramdaman kaya sa Bicol?

HATAWANni Ed de Leon GRABE ang nangyari sa Bicol dahil sa bagyong Kristine. Ang daming baha …

Vilma Santos Nadine Lustre

Ate Vi hinangaan galing ni Nadine sa pag-arte

I-FLEXni Jun Nardo HUMANGA si Vilma Santos-Recto sa ipinakitang husay sa pag-arte ni Nadine Lustre na kasama niya sa …

Ellen Adarna Derek Ramsay Elias Baby

Ellen nanganak na, Derek sobra-sobra ang kaligayahan

I-FLEXni Jun Nardo TAHIIMIK ang nangyaring pagbubuntis ni Ellen Adarna kay Derek Ramsay. Heto at nanganak na nga …

Tony Labrusca Landers

Tony hindi choosy saan man iinom — We have one life to live, just don’t hurt anybody

RATED Rni Rommel Gonzales NAKATSIKAHAN namin si Tony Labrusca sa Wine & Liquor Expo media launch sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *