TWO hundred fifty pesos ang presyo ng ticket para sa pelikulang “Felix Manalo” na pinagbibidahan ng mahusay na aktor na si Dennis Trillo.
Dahil nagkaroon ng advance ticket selling para rito, noong magbukas sa mga sinehan noong Oktubre 7 (Miyerkoles) ay agad-agad na napuno ang bawat sinehan na pinagtanghalan nito.
Nakita rin ang mahahabang pila at malalaking bus na nagdaritangan sa iba’t ibang theater kaya naman sa unang araw pa lang ng pagtatanghal ay kumita na ng P50 milyon ang obra ni Direk Joel Lamangan.
Nang sumunod na araw ay naka-P30-M naman ang Felix Manalo kaya’t di malayong abutin nito ang P500 to P600 million total gross sa pagtatapos ng showing nito. Sa laki ng kinita sa kanilang opening day ay sinira ng malaking project ng Viva Films at Iglesia Ni Cristo ang huling may hawak ng record na all time high grossing Filipino film at pwede na rin i-level ang pelikula sa mga blockbuster foreign films na naipalabas noon at ngayon.
Ilan pa sa maipagmamalaki sa pelikula ay dangal ito ng diwang Filipino at pati ang acting ng lead actor na si Dennis ay pinupuri ng mga netizen kabilang na ang veteran journalist na si Teddy Boy Locsin na sinabing pang-Oscar ang acting ni Dennis sa Felix Manalo.
I’m 1O1% agree much gyud!
“ETIQUETTE FOR MISTRESSES” NG STAR CINEMA CERTIFIED BLOCKBUSTER, BLOCK SCREENING NG MOVIE UMABOT NA SA 70
Last week, nakibalita kami sa ka-chika naming taga-Star Cinema para alamin ang resulta ng kanilang latest movie na “Etiquette For Mistresses” na nasa pangatlong linggo na this week at palabas pa rin sa maraming sinehan sa buong mundo.
Sey ng impormante natin, maganda ang naging box office returns ng pinag-uusapang pelikula nina Kris Aquino, Claudine Barretto, Iza Calzado, Kim Chiu at Cheena Crab na as of presstime ay almost P150 million na ang kinita sa takilya at hindi pa raw kasama rito ang results ng mga naging income ng movie sa international showing partikular na sa bansang London na pinipilahan talaga ng ating mga kakabayan na sabik makapanood ng Pinoy movies.
Dagdag rin sa kita ng obra ni Direk Chito Roño ang kaliwa’t kanang block screenings nito na umabot sa 70. Majority sa nagpa-block screening para sa mga kasamahan sa trabaho at mga kaibigan si Kris. Samantala kahapon ay pinagkaguluhan sa SM Megamall Cinema 2 ang dalawa sa lead stars ng Etiquette for Mistresses na sina Claudine Barretto at Iza Calzado para sa ticket selling at book purchase ng Etiquette for Mistresses na sinulat ng batikang journalist na si Ms. Julie Yap Daza.
Sa ganda at kalidad ng pagkakagawa ng pelikula ng Star Cinema ay nabigyan sila ng Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).
RUBY, RYZZA, PATRICIA AT YAYA DUB PAREHONG MAGAGALING, PAOLO BALLESTEROS ITINANGHAL NA GRAND WINNER SA #BULAGAPAMORE DABARKADSPAMORE GRAND FINALS
Namangha ang mga inimbitahang hurado ng Eat Bulaga kahapon para sa Grand finals ng kanilang #BulagaPaMoreDabarkadsPaMore na ginanap sa Broadway Studio.
Pare-parehong thumbs up sina ang mga batikang news anchor ng GMA-7 na sina Mike Enriquez at Jessica Soho kasama ang sikat na Kapuso aktres na si Jennylyn Mercado sa nasaksihan nilang performance ng EB Dabarkads finalist na kinabibilangan nina Ruby Rodriguez na nag-dubmash, Ryzza Mae Dizon sa kanyang Doble Kara number at wagi ‘yung panggagaya ni Aleng Maliit kay Apl.de.Ap; HBD Girl Patricia sa Buwis-buhay na naglambitin-bitin rin sa ere at phonemenal star na si Yaya Dub na nag-dubmash, sumayaw kasama ang FHHM Girls at nag-drums.
Pero ang talagang nag-stand out sa lahat ay si Paolo Ballesteros sa kanyang Super Sireyna number na napatulala talaga ang tatlong celebrity judges sa ginawang paglambitin sa ere, sabay tali sa leeg na isinabit sa kisame na nagpasirko-sirko na animo’y elisi ng helicopter sa bilis nang pagkakaikot sa itaas ng studio.
Super ganda ni Tidora (Paolo) sa kanyang make-up at costume. Kahalating milyong piso ang napanalunan ni Paolo na kanyang ido-donate para sa mapipiling eskuwelahan na patatayuan ng Eat Bulaga ng bagong classroom.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma