I-FLEX
ni Jun Nardo
MAS matinding hamon sa kanyang career ang iniatang kay Kiko Estrada dahil gagampanan niya ang character ni Totoy Bato na mula kay Carlo J. Caparas at ginawang movie ni Fernando Poe, Jr. habang sa TV naman ginampanan ni Senator Robin Padilla.
Ang Totoy Bato ay mapapanood sa TodoMax Primetime ng Kapatid Network simula ngayong gabi, 7:15 p,m..
Bakbakang umaatikabo ang ipamamalas ni Kiko at mga kasamang Diego Loyzaga, Bea Binene, Cindy Miranda, Mark Anthony Fernandz, Nonie Buencamino at marami pang iba mula sa direksiyon ni Albert Langitan.
Nilikha para sa makabagong panahon ang Totoy Bato para ipakita ang bagong hero na pangmatigasan at pangmalakasan ang dating, huh!
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com