Saturday , January 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carlo Aguilar

Walang demolisyon sa Las Piñas  
CARLO AGUILAR, NANGAKO NG ABOT-KAYANG PABAHAY PARA SA INFORMAL SETTLERS

IPAGTATANGGOL ni Carlo Aguilar, kandidato sa pagka-alkalde ng Las Piñas, ang karapatan ng tinatayang 10,000 informal settler sa lungsod, at tiniyak sa kanila na “walang magaganap na demolisyon” sa ilalim ng kanyang panunungkulan.

Imbes malawakang relokasyon o pagpapalayas, isinusulong ni Aguilar ang pagpapalakas ng Community Mortgage Program (CMP) — isang iskemang pinopondohan ng pamahalaan na nagbibigay-daan sa mga organisadong pamilyang informal settler na mabili at mapaunlad ang lupang kanilang tinitirahan sa pamamagitan ng abot-kayang buwanang hulog sa mahabang panahon.

“Malinaw ang aking paninindigan: walang demolisyon sa ilalim ng aking administrasyon,” pahayag ni Aguilar. “Dapat nating protektahan ang mga komunidad ng informal settlers, na maraming taon nang naninirahan sa Las Piñas at araw-araw na tumutulong sa kabuuang takbo ng ating lungsod.”

Ang posisyon ni Aguilar ay kaiba sa pangunahing programa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH), na nag-aalok ng medium-rise public housing units na may tinatayang buwanang bayad na ₱3,000 hanggang ₱4,000.

Bagaman kinikilala niya ang layunin ng pambansang programa, iginiit ni Aguilar na hindi ito praktikal para sa karamihan sa mga pamilyang urban poor sa Las Piñas.

“Sila ay mga manggagawang arawan sa konstruksiyon, labandera, tindera, at kasambahay. Ang pagbabayad ng ₱3,000 bawat buwan para sa pabahay ay hindi makatotohanan. Hindi ito makatutulong —bagkus, isinasarado nito ang pinto sa kanilang karapatan sa disenteng tirahan,” ani Aguilar.

Ibinahagi ni Aguilar ang datos mula sa Social Housing Finance Corporation (SHFC), na nagpapakita na sa maraming kasalukuyang proyekto ng CMP, ang mga benepisaryo ay nagbabayad lamang ng ₱300 hanggang ₱600 kada buwan.

“Iyan ang antas ng tulong na kayang bayaran ng ating mga kababayan nang hindi nangangambang mapalayas,” aniya. “Epektibo ang CMP dahil akma ito sa kakayahang pinansiyal ng mga naninirahan sa komunidad.”

Tinukoy ni Aguilar ang Urban Development and Housing Act of 1992 (Republic Act No. 7279), na nagbabawal sa sapilitang pagpapaalis o demolisyon kung walang sapat na relokasyon, konsultasyon, at tamang proseso.

“Hindi natin maaaring bigyang-katwiran ang paggiba ng mga bahay kung wala namang malinaw at makataong alternatibo. Saan sila titira habang may konstruksiyon? Napakarami na nating nakitang palpak na relokasyon na imbes makatulong ay sumira ng buhay,” dagdag niya.

Sa ilalim ng kanyang panukalang programa sa pabahay, plano ni Aguilar na palawakin ang access sa CMP at magpatupad ng komprehensibong suporta para sa mga informal settler na nakatuon sa limang pangunahing bahagi:

Pagpapaunlad ng Komunidad: Pag-aayos ng mga kalsada, kanal, at pangunahing serbisyo;

Pondo mula sa LGU para sa Survey at Dokumentasyon: Sasagutin ng pamahalaang lungsod ang gastos sa pagsusukat at dokumento upang mapadali ang land ownership;

Libreng Legal na Tulong: Gabay sa pagkuha ng titulo at iba pang legal na proseso;

Pagsasanay sa Kabuhayan at Kasanayan: Pagbibigay ng hanapbuhay at kaalaman para sa karagdagang kita; at

Partisipasyon ng Mamamayan: Pagtiyak na kasama sa bawat hakbang ang mismong komunidad.

Binigyang-diin ni Aguilar na ang pabahay ay hindi lamang tungkol sa kongkretong estruktura kundi pati sa seguridad, dignidad, at karapatang manatili sa komunidad na matagal nang tinatawag ng tao na tahanan.

“Hindi relokasyon ang kailangan ng ating mga kababayan, kundi pagkilala sa kanilang karapatan bilang tao. Ang pinakamagandang programa sa pabahay ay ‘yung kakampi ang komunidad, hindi kalaban,” sabi ni Aguilar.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Curlee Discaya

Hinanakit ni Curlee
Discaya, nagsisi sa kontrobersiyal na ‘name-names’
Sangkot na politicians nananatiling untouchables

MALAKI ang pagsisisi ng kontraktor na si Pacifico “Curlee” Discaya sa ginawang pagpapangalan sa mga …

arrest, posas, fingerprints

Natunton sa Quezon City
7 notoryus na kawatan sa Central Luzon timbog

Sa pamamagitan ng mabilis na koordinasyon, patuloy na pagsubaybay, at determinadong gawain ng pulisya, naaresto …

Bustos Bulacan

Sa pagbubukas ng ika-16 Minasa Festival
Bustos pinaningning ang ipinagmamalaking kultura

Opisyal nang binuksan ng Pamahalaang Bayan ng Bustos ang ika-16 na pagdiriwang ng Minasa Festival …

PSC Pato Gregorio PHILTA John Rey Tiangco WTA

Lokal organizers handa na sa Philippine Women’s Open

“WTA 125 Manila. Handa na kami!” ITO ang tiniyak kahapon ng mga organizer kaugnay ng …

Bustos Bulacan

Bustos town ignites cultural pride with the kick-off of the 16th Minasa Festival

CITY OF MALOLOS – The Municipality of Bustos officially commenced the 16th iteration of the …