Wednesday , May 21 2025
Raymond Adrian Salceda

Mayor Salceda: HEART 4S program para sa Albay 3rd district 

POLANGUI, Albay – Tiniyak ni Mayor Raymond Adrian Salceda ng bayang ito na matagumpay na isusulong ng kanyang programang HEART 4S ang kaunlaran ng Albay 3rd district, kung siya’s mahahalal na kinatawan nito sa nalalapit na eleksiyon, gaya ng kahanga-hangang nagawa nito sa kanilang bayan.

Bukod sa pagiging punong bayan, si Mayor Salceda rin ang kasalukuyang Pangulo ng ‘League of Municipalities of the Philippines (LMP)-Albay Chapter.’. Siya’y anak ni Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda, na magtatapos din ang t5urno sa Kamara sa darating na Hunyo at tumatakbong balik-Gobernador ng Albay na dati niyang hinawakan mula 2007 hanggang 2016.

Ang “HEART” ay tumitindig sa ‘H-Health, E-Education, A-Agriculture, R-Rural Infrastructure, and T-Tourism, Trade and Transportation;’ samantalang  ang “4S” naman ay tumatayo sa ‘Social Services, Senior Citizens and Solo Parents, Small and Micro Enterprises, and Sports and Youth Development.’ 

Ang batang ay sumusunod sa yapak ng kanyang ama, si Rep. Joey Sarte Salceda, kasalukuyang ‘chairman’ ng maimpluwensiyang ‘House Ways and Means Committee.’ Kapwa sila nangunguna sa mga lokal na ‘survey’ ng SWS at Pulse Asia sa lalawigan.  

Sa isang panayam sa media kamakailan, ipinaliwanag ni Mayor Salceda na ang kanyang “HEART 4S development plan” ay nakatuon sa ilang mga usapin, kasama ang “kalusugan para sa lahat, kalusugan ng mga pamayanan, at iba pang isyung kaugnay ng mga ito.”

“Masugid naming isinulong ang mga programang ito at ang Polangui ay naging kauna-unahang bayan sa Pilipinas na nagkaroon ng ‘Responsible Parenthood and Reproductive Health Care Center’ na may mga ‘preventive health care programs,’ gaya ng ‘promotion of healthful habits and diets, vaccinations, hygiene, preventing communicable diseases, and innovative approaches to address mental health issues’ sa pamayanan,” madiin niyang paliwanag.

Idinagdag nin niya na pangunahing layunin ng programa ang ‘Education for All’ o edukasyon para sa lahat upang magkaroon ng pagkakataon ang mga mamamayan sa may kalidad na edukasyon sa mga paaralang gaya ng Polangui Community College na may ‘general education program,’ at Philippine College of Criminology Rinconada Campus, na may ‘Bachelor of Public Administration and Criminology courses.’

Ayon kay Mayor Salceda, layunin din niya na itaas ang antas ng Albay 3rd district bilang isang “agro-industrial area with training centers, and Farm and Fisheries Consolidation Programs” na magiging daan upang makasali ang mga mamamayan nito sa “Agri-Industrial Business Corridor programs” ng Department of Agriculture. 

Masugid ding itinutulak nt Mayor Salceda ang ‘Edible Landscaping sa Barangay Program’ at regular na mga ‘agricultural fairs’ at “land consolidation and share service facilities” na suportado ng mga ‘rural infrastructures; na itinuturing niyang daan partungo sa “agro-industrial and rural development.” 

Binigyan din niya ng diin na ang kanyang HEART 4S ay may malakas na programa para sa mga ‘senior citizens and solo parents’ gaya ng libreng pagsasanay at sertipikasyon ng TESDA;’ libreng pagsasanay sa mga ‘Agricultural Training Institutes’ ng mga LGU; ‘seniors-at-work program ng mga partner firms’ na magkakaroon naman ng bawas sa kanilang ‘business taxes dahil paghirang nila ng mga ‘seniors;’ tawad sa mga bilihin sa mga “partner establishments; home or farmstead RPT amnesty and discounts on prompt payments;” at ‘Hatid-Gamot-at-Ayuda program.’ 

Bilang isang matatag na sumusuporta sa ‘Magna Carta for Solo Parents,’ isinusulong din ni Salceda ang pagtatatag ng mga ‘Barangay and Municipal Solo Parents’ Desks’ sa mga LGU at iba pang kaugnay na mga ahensiya, at pagbibigay tawad bayarin nila sa mga ‘partner establishments, counseling and legal services,’ at pang mga benepisyong makakatulong sa kanila.

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde

Arjo ‘di napabagsak ng paninira, ‘wagi ulit sa district 1 ng QC

MATABILni John Fontanilla HINDI nagabi ng paninira at muling nagwagi bilang congressman ng District 1 …

Roselio Balbacal

 Actor/businessman Roselio Balbacal numero unong konsehal sa TUY, Batangas 

MATABILni John Fontanilla BAGITO man sa politika, hindi naging hadlang para sa part time actor …

Alfred Vargas PM Vargas

Alfred Vargas nagpasalamat sa double victory; Programang pang-edukasyon uunahin

DOBLE-DOBLENG pasasalamat ang ibinahagi ni Alfred Vargas sa mga taga-District 5 ng Quezon City na sa ikalawang …

Willie Revillame

Willie wala na raw ganang tumulong?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GRABE rin ang mga naglabasang saloobin umano ni Willie Revillame hinggil sa pagkatalo …

Xian Gaza Isko Moreno

Yorme Isko bubuwelta sa mga naninira; Post ni Xian Gaza binura?

I-FLEXni Jun Nardo ISANG matapang na tanong  ang inilabas sa Yorme’s Choice page sa Facebook nitong nakaraang mga araw. …