Thursday , June 4 2026
Arrest Shabu

Sa Bulacan  
3 adik na tulak arestado, drug den binuwag

NAARESTO ang tatlong tulak sa isang drug den  kabilang ang operator na nagresulta sa pagkakakompiska ng mahigit P102,000 halaga ng shabu matapos ang matagumpay na anti-drug operation sa Barangay Minuyan Proper, City of San Jose del Monte, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng hepe ng PDEA Bulacan ang naarestong operator na si alyas Tonio, 28, at ang kanyang mga galamay na sina alyas Len-Len, 39; at alyas Vin, lalaki, 26, pawang mga residente sa Barangay Minuyan Proper.

Nakuha sa sting operation ang kabuuang pitong piraso ng plastic sachet na naglalaman ng mahigit 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000; isang unit na mobile phone; samot-saring mga gamit sa pagsinghot, at ang marked money na ginamit ng poseur buyer.

Ang mga nakompiskang ilegal na droga ay ipapasa sa PDEA RO3 laboratory, habang ang mga naarestong suspek ay ikukulong sa PDEA detention facility sa City of San Fernando, Pampanga.

Ang operasyon ay magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng PDEA Bulacan Provincial Office, PNP Special Operations Unit 3, Bulacan Provincial Intelligence Unit, at Provincial Intelligence Team Bulacan East Unit.

Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na isasampa sa korte laban sa mga naarestong suspek. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …