Saturday , May 24 2025
Joey Salceda Phivolcs

Salceda: Phivolcs Modernization Act, pamumuhunang ligtas buhay, lalo na sa Albay  

Ang Phivolcs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology) Modernization Act na nilagdaan kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang RA 12180 ay isang natatanging pamumuhunan para sa mga Pilipinong nakatira malapit sa mga bulkan, ayon kay Albay 2nd District Rep. Joey Sarte Salceda.  

Para sa Albay, sadyang napakahalaga ang naturang batas. Nasa Albay ang Mount Mayon, ang pinakamagandang bulkan sa mundo na sumasabog at nananalasa sa lalawigan tuwina. Sa karatig na Sorsogon, sumabog din nitong nakaraang Abril 28 ang Bulusan Volcano. Ang Pilipinas ay tadtad ng 24 na mga aktibong bulkan.

Si Salceda ang pangunahing may-akda sa Kamara ng Phivolcs Modernization Act. Ayon sa kanya, ang malimit na banta ng Mayon sa mga Albayano ay isa sa mga inspirasyon niya para masigasig na isulong ang RA 12180. Lilikhain nito ang ‘Phivolcs Modernization Fund’ para punduhan ang pagbili ng makabagong mga instumento, kagamitan, pasilidad at teknolohiya kaugnay sa lindol, bulkan,  tsunami o malahiganteng alon ng dagat, at pagbigay ng mga babala tungkol sa mga ito.

Itinuturing na napakahalaga ang modernisasyon ng Phivolcs na naging instrumento sa pagligtas sa buhay ng mga Albayano sa maraming dekada, sabi ni Salceda na magtatapos ang 9-taon niyang turno sa Kamara sa darating na Hunyo. Bumabalik siya ngayon sa pagka-Gubernador ng Albay na pinagsilbihan niya rin ng siyam na taon hanggang 2016.

Layunin ng RA 12180 na itaas ang antas ng kakayahan ng bansa sa pagtaya at pagbigay ng akmang oras ng babala tungkol sa mga parating na lindol, pagsabog ng bulkan, tsunami at iba pang likas na panganib. “Tama si Pangulong Marcos sa sinabi niyang malaki ang magagawa ng batas na tto para maiwasan ang maraming disgrasya. Nagkakaisa kami sa pananaw na ito na naglalagay sa siyensiya sa gitna ng kahandaang Pambansa,” paliwanag ni Salceda.  

“Pinasasalamatan ko ang Pangulo sa pagbigay niya ng kaganapan sa batas na ito,” dagdag ni Salceda na nagsilbing gubernador ng Albay noong 2007 hanggang 2016, kung kailan kinilala siya sa nagawa niyang pagtalaga sa Albay bilang modelo sa ‘zero-casualty disaster preparedness,’ at pagtatalaga ng mga ‘pioneering protocols for evacuation, hazard mapping, and community-based early warning systems.’ 

Sa pagbabalik niya sa pagka-gubernador ng Albay, isinusulong ni Salceda ang kanyang programang ‘Global Albay’ na ayon sa kanya ay katumbas ng ‘Global  Preparedness.’ “Bilang gubernador noon, naranasan ko ang araw-araw na bantang panganib ng Mayon. Kinailangang handa kami bawat oras, araw-araw. Nakipagtulungan kami sa Phivolcs at binalangkas namin ang mga sistema na ngayon ay ginagawa na sa buong bansa natin,” paliwanag niya.

Ibinibigay ni Salceda ang malaking bahagi ng kredito ng kanilang nagawa sa pagutulungan nila ni Dr. Renato Solidum, na noon ay Director ng PHIVOLCS at kasalukuyang Kalihim ng ‘Department of Science and Technology (DOST).’ “Matagumpay naming nagawa ni Secretary Solidum na maging ligtas ang Albay sa maraming pagsabog ng Mayon, mga lindol at baha ng lahar,” dagdag ni Salceda.

“Nagawa naming makabago ang ‘disaster governance’ sa Albay noon. Ngayon ay gagawin na namin ito para sa buong bansa. Sa ilalim ng kanyang pamumuno sa DOST, naniniwala akong masugid at mahinusay niya ipatutupad ang RA 12180. Handog ko rin ang batas na ito sa pumanaw nang si Ed Laguerta, ang matagal na panahong ‘resident volcanologist’ ng PHIVOLCS sa Albay, at ‘tahimik na bantay’ ng Mayon sa loob ng maraming dekada. Siya ang nagbantay at nagbigay ng babala para walang mapahamak sa amin. Pinararangalan ng batas na ito ang gayong uri ng dedikasyon,” sabi niya.

Habang ipinagdiriwang ang pagsabatas sa RA 12180, nanawagan muli si Salceda na sana ay malikha na rin ang ‘Department of Disaster Resilience’ (DDR) na panukala din niya upang mapagsama-sama sa isang kawanihan ang hiwa-hiwalay na mga ahensiyang pangtugon sa mga kalamidad na malimit manalasa sa bansa.

“Bibigyan tayo ng matalas na pananaw ng RA 12180, ngunit kailangan din natin ng mabilis na kamay. Nananawagan ako sa Kongreso at sa Ehekutibo na isabatas din agad ang panukalang DDR upang maging buo at kumpleto ang ating ‘disaster risk governance structure,’” pahayag ni Salceda.

Ang DDR ay bahagi ng malawak na lehislatibong balangkas ni Salceda bilang tugon sa ‘climate change’ at mga hamong dulot nito, bukod sa iba pang panukala kaugnay sa ‘disaster risk reduction, hazard mapping, green infrastructure, and resilience financing.’ 

“Itinatatag natin ang napakahalagang panangga sa mga kalamidad at patuloy natin ito isusulong hanggang sa wala nang Pilipinong mamamatay dahil sa kakulangan natin sa kahandaan. Sa pamamagitan ng mga kaalaman kaugnay sa mga bulkan, lindol, tsunami, at iba pang banta ng kalikasan, higit na mailigligtas ng mga LGU ang kanilang mga mamamayan,” oatapos na pahayag ni Salceda.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 1, PNRI Strengthen Local Capacities on Radiation Safety and Emergency Preparedness

DOST Region 1, PNRI Strengthen Local Capacities on Radiation Safety and Emergency Preparedness

The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), in partnership with the …

PRO3 LUMAHOK SA PNP DISASTER RESPONSE EQUIPMENT INSPECTION Ipinamalas ang kahandaan at pagtugon sa kalamidad

PRO3 LUMAHOK SA PNP DISASTER RESPONSE EQUIPMENT INSPECTION  
Ipinamalas ang kahandaan at pagtugon sa kalamidad

BUONG giting na ipinamalas ng Police Regional Office 3 (PRO3) ang kanilang kahandaan sa pagtugon …

Pacquiao vs Barrios

Pacquiao magbabalik sa ibabaw ng ring

ni Marlon Bernardino MULING sasabak sa ibabaw ng ring si Manny Pacquiao matapos ang apat …

Patani Dano

Patani Dano nalungkot nang ‘di ini-renew ng Sparkle

ISA sa maituturing na masuwerte sa naging katas ng Survivor Philippines Batch 1 ang komedyanang si Patani Dan̈o, na …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Frankie Yaya Irish Miel Miguel

Pamilya ni Sharon sinamantala bakasyon sa NY para makapag-bonding

MA at PAni Rommel Placente MAY sorpresang  regalo si Sharon Cuneta sa graduation ng anak na si  Kakie.  …