Sunday , May 25 2025
Firing Line Robert Roque

Makaka-jackpot ba uli ang mga Pineda?

FIRING LINE
ni Robert B. Roque, Jr.

TULAD ng nangyari na sa Pasig City, pinatunayan ng political maverick na si Mayor Vico Sotto na hindi totoong walang makatitinag sa mga dynasty — at kayang mamayagpag nang tapat na pamumuno kapag ang politika ay napagtagumpayang maialis mula sa kamay ng mga angkan ng mga gahaman sa kapangyarihan.

Sa kabila ng mga hamon, ipinakita niyang ang pamumunong nakasalalay sa transparency, husay, at tiwala ng publiko ay kayang-kayang tuldukan ang ilang dekada nang kontrol, at napatunayan ng Pasig sa buong bansa na posible ang tunay na pagbabago.

Pero sa Pampanga, sa loob ng maraming taon, ay nakakulong pa rin ang probinsiya sa mistulang walang katapusang bulok na politika — nasa kontrol ng pamilyar na mga personalidad ng mga Pineda.

Karamihan sa mga Kapampangan ay nasanay na lang sa status quo ng pamumuno na nakabatay sa pangungunsinti — kung hindi man direktang pinoprotektahan ang jueteng, iba pang mga bisyo, korupsiyon, at kontrol sa politika.

Namanhid na lang marahil ang mga botante kaya hindi na sila naghahanap ng mas mabuting opsiyon: tunay at tapat na pamumuno. Nakalimutan na ba nila na ang Kapitolyo ay hindi tulad ng sari-sari store na maaaring maipamana mula kay Nanay Pineda papunta kay Delta Pineda habang nakamasid at pumapalakpak ang asawa niyang si Bong Pineda?

Sana naman ay sapat nang nabigyang-diin ng Firing Line na ang paparating na midterm election ay isang pagkakataon para pumili ang mga Kapampangan ng isang tunay na alternatibo — isang oportunidad upang wakasan na ang isang sistema na matagal nang tinatrato ang probinsiya bilang casino ng pamilya.

Kandidato para gobernador si Danilo Baylon, dating alkalde ng Candaba at negosyante, mayroong malinis na track record at maliwanag na layunin para buhaying muli ang agrikultura at ibalik ang kagandahan ng kalikasan — kabilang ang planong buhayin muli ang Pampanga Bay.

         Para sa bise gobernador, nariyan si ex-Governor Ed Panlilio — oo, si Among Ed, ang dating pari — na minsan nang tumalo sa mga Pineda at nais namang patunayan ngayon na ang isang may moralidad at makataong pamumuno ay hindi isang pangarap lamang. At sa San Fernando City, nag-aalok si Mayor Vilma Caluag ng isang bagong brand ng politika na nakatutok sa reporma, transparency, at pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

         Hindi ito simpleng labanan lang ng pangalan. Isa itong laban para sa dignidad  — patutunayang ang mamamayan ng Pampanga ay hindi tipong kontento na sa kultura ng STL, jueteng at iba pang mga ilegal na aktibidad.

Panahon nang tuldukan ng Pampanga ang ideya na ang mga halal na opisyal ng lalawigan ay dapat na ituring na mga jackpot prize mula sa maliliit na taya sa mga botante — kung pera man, appliances, o ilang kilo ng bigas.

*         *         *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-post sa @Side_View sa X app (dating Twitter).

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

YANIG ni Bong Ramos

Bukod kay Gen. Douglas Mac Arthur
YORME ISKO NAKABALIK RIN SA MAYNILA

YANIGni Bong Ramos BUKOD kay Gen. Douglas Mac Arthur, si Yorme Isko Moreno lang ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa pangarap ni PBBM na 5-minute police response, PMG Torre III is the answer…

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPANOOD natin sa social media ang isang panayam kay Pangulong Bongbong …

Aksyon Agad Almar Danguilan

QC Mayor Joy B, at VM Sotto, tuloy ang serbisyo sa QCitizen

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAKATATABA sa puso nina Quezon City Mayor Joy Berlmonte (re-elect) at …

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …