Thursday , May 22 2025
Carmi Martin Jaime Fabregas Isang Komedya sa Langit

Carmi Martin lolang seksi sa Isang Komedya sa Langit  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

MASAYANG-MASAYA ang producer at nagsulat ng historical fiction film, Isang Komedya sa Langitsi Rossana Hwang ng Kapitana Entertainment Media sa kanyang mga artistang bida rito lalo na kina Carmi Martin at Jaime Fabregas.

Sa pakikipag-usap namin kay Kapitana, ang pelikula na isang period flick na itinanghal sa panahon ng kolonyal na Espanyol noong taong 1872, sinabi nitong gusto niyang maihayag o maiparating sa lahat ang kanyang isinulat na istorya.

“I want my story to be told to everyone. I’m very, very grateful to director Roi (Paolo Calilong), as well as the lead cast — Carmi Martin and Jaime Fabregas,” ani Rossana na kaya pala tinatawag na Kapitana ay dahil sa pagiging barangay captain nito sa Makati.

Ang Isang Komedya sa Langit ay inspirasyon mula sa libro ni Rossana, ang The Lost Saints, na nangangako ng isang magaan ngunit nakapupukaw ng pag-iisip na paglalakbay sa panahon, pananampalataya, at diwang Filipino.

This is my first film na sobrang happy ako. Sobrang happy,” ani Kapitana na mapapanood sa May 28.

Puring-puri ni Kapitana si Carmi, “She was very cooperative with everything. She studies her lines. She made me very happy. I know she’s used to working with big productions, but she gave our humble production a chance. I thank her for lending her presence to this movie.”

Ginagampanan ni Carmi ang karakter ni Lola Naty na napag-alaman naming orihinal na in-offer kay Nova Villa subalit hindi ito available kaya napunta sa una. 

Ani Kapitana, dahil hindi nakuha si Ms Nova, binago niya ang buong wardrobe at nang makita niya si Carmi nabago nito ang kanyang pag-iisip. “Ginawa ko siyang funky lola,” ani Kapitana. 

First time gumanap na lola ni Carmi at naging masaya naman siya sa pelikulang ito, aniya sa presscon ng Isang Komedya sa Langit kamakailan sa Alex III.

“I want to make sure that I’m happy with my look in this film. I also want to make sure that we will no longer make the necessary adjustments when we get to the set. I want to make sure, as an actor who has been in the industry for a long time, I came prepared and happy with my look,” ani Carmi na epektibong nagampanan ang pagiging funky at sexy lola.

Happy din si Kapitana sa kanyang direktor, si direk Roi Paolo Calilong. “I met so many people. He’s one of the people na easy to work with plus magaling. Very funny and he handled a lot of things in the movie. And kapag may hindi siya gusto pinag-uusapan naming mabuti and I accepted it kung ano ‘yung sa akala niya rin eh mas magandang ilagay sa movie namin.

“Example sa ending, bago kami dumating nag-debate kami ng matagal. Gusto ko kasi the way I wanted to end. He said it cannot be like that. Tapos there’s a part na idinagdag niya na hindi dapat. On my sight it was very good.  Tapos many things there we did not agree, example may salitang ‘gago.’ Sabi ko, ‘no I don’t want.’ Sabi ko, I just want it to be respectable, to bring back those ugali. You can be modern but be respectable,” sabi pa ni Kapitana. 

Sinabi naman ni direk Roi na nang i-offer sa kanya ang pelikula, kompleto na ang cast. Bukod kina Jaime na gaganap bilang Father Emmanuel Garcia at Carmi bilang Lola Naty, kasama rin sina Edgar Allan Guzman bilang Father Juan Borromeo, Gene Padilla bilang Father Javier Salas, at John Medinabilang Father Paolo Pascual, at Akihiro Blanco biang Brother Marco.

Aniya, umaasa siyang ang Isang Komedya sa Langit, ay magiging isang comedy satire, magiging inspirasyon sa mga Filipino para ibalik ang essence values ​​ng pagiging Filipino.

“When I entered the film, buo na siya. The cast was already there. May design na. May vision na si Kapitana. I just helped to mount it. To capture everything in the story.”

Unang pelikula ito ni direk Roi na naging assistant director sa mga sitcom nina dating Bert de Leon at Phillip Lazaro gayundin ni direk Chris Martinez kaya hindi kataka-taka na mas gamay niya ang magdirehe ng komedya.

“Kapitana was persistent in making me direct her next project. So, I accepted the film. I got the project from Kapitana and the production helped her see the film become a reality,” pagbabahagi pa ni direk Roi.

At dahil ang background ni direk Roi ay teatro at assistant director, ang pinaka-atake nila sa Komedya sa Langit ay medyo theatrical ang staging niya. May mga part na parang hindi realistic pero more on theatrical.

My vision ko rito ay parang inspired sa GomBurZa pero may time travel effect. Ang kuwento niya parang may tatlong pari na bibitayin ng 1800’s tapos hindi sila namatay. Akala nila namatay sila kaya nga langit, pero na-transformed sila sa present parang ganoon. Para matutunan kung paano aayusin ang problema of the revolution.

“So parang Philippine history/back to the future etc parang ganoon,” kuwento pa ni direk Roi.

Ang ibig sabihin ko sa theatrical halimbawa may eksena kami na revolution, patayan sumugod ang mga Katipunero. Sa ‘Heneral Luna,’ ‘Goyo’ dugo ang makikita, patayan, barilan. Dito walang ganoon dahil ‘yun nga ang atake due to production cost, time constraint, nag end pa kami roon, nagkasundo kami ni Kapitana na ganoon din ang gagawin para ma-meet namin, na parehas pa rin kami ng objective, parehas pa rin kami ng gustong mangyari. Nakikita natin na nag-away sila. Comic, theatrical yet andoon pa rin ‘yung intention ng mga tao ng revolution,” wika pa ng direktor.

Sinabi pa ng direktor na ang Isang Komedya sa Langit ay, “Nothing was difficult to combine comedy, faith and love for country. We are like that as Filipinos, even if we have different religions or provinces, we are always a happy bunch. Always grateful.”

How will we mount this one without making it look hilaw, but with the objective, intention and intensity of the people. That became a challenge for me even without the actual fight scenes with gore.

“The film had theatrical staging, but mounting was simplified. That was the challenge for me.”

Dream project ito ni Kapitana Rossana at umaasa siyang marami ang makakapanood ng kanilang pelikulang Isang Komedya sa Langit na palabas na sa May 28 sa mga piling SM Cinemas nationwide.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Romm Burlat

Parang abot ko ang kamay ng Diyos kapag nakatutulong sa mga nangangailangan — Direk Romm Burlat

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABALITAAN namin kamakailan sa award-winning actor-director na si Romm Burlat …

David Licauco

 I Think I Love You ni David Licauco mabilis na minahal ng fans

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez GUMAGAWA na rin ngayon ng pangalan si David Licauco sa mundo …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Frankie Yaya Irish Miel Miguel

Sharon binitbit Yaya ni Frankie sa Amerika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKATUTUWA naman iyong ginawa nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan. Dinala …

Ruffa Gutierrez Mr Harry

Yilmaz ‘di na tuloy pagbisita ng ‘Pinas 

I-FLEXni Jun Nardo GIFT from heaven ang tawag kay Ruffa Gutierrez ng may-ari ng Magical …

Binibining Pilipinas 2024 Glam Shot Photo Exibit

Ganda at Glamour: Binibining Pilipinas 2025 Photo Exhibit, Tampok sa Araneta City

BINUKSAN ng Araneta City ang 2025 Binibining Pilipinas Glam Shot Photo Exhibit tampok ang mga …