Monday , June 22 2026

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Sylvia Sanchez at Papa Art, nag-positibo sa Covid-19

GINULAT ni Sylvia Sanchez ang kanyang Instagram followers sa ipinost niya kahapon bandang 1:45 p.m. na positibo silang mag-asawa sa Covid-19.   Kaya pala nanahimik si Sylvia at wala siyang mga post sa social media account niya, iyon pala ay maysakit na siya.   Ang huling post na nakita namin ay noong kaarawan ng anak niyang si Ria Atayde, Marso 23 na ginanap sa bahay …

Read More »

Klea Pineda, miss nang magtrabaho

Klea Pineda

HABANG nag-eenjoy ang ilan sa pagpapahinga sa kani-kanilang tahanan simula nang ipatupad ang enhanced community quarantine noong nakalipas na linggo, ibinahagi naman ni Kapuso star Klea Pineda na miss niya na ang magtrabaho.   Sa kanyang Instagram post, sinabi ng Magkaagaw star na hindi ito sanay na nasa bahay lamang kaya nami-miss nang umarte sa telebisyon.   Sa kabila ng kinakaharap na krisis ng buong mundo, pinaalalahanan pa …

Read More »

Live workout ng DOTSPh cast, sinabayan ng netizens

KAHIT hindi muna napapanood on-air ang Descendants of the Sun, good vibes pa rin ang hatid ng cast nito sa pangunguna ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.   Sa Facebook at Instagram, binuo nila ang @dotsphofficial na nais magbigay ng, “hope, positivity, happiness, and inspiration during this time of Enhanced Community Quarantine in the country.”    Isa sa activities nila ay ang Facebook Live na sabay-sabay nagwo-workout sina Dingdong, Rocco Nacino, Lucho Ayala, Jon …

Read More »

David Licauco, nangalap ng tulong para sa Covid-19 frontliners

ISA rin ang Kapuso actor na si David Licauco sa mga nagkukusang tumulong para sa mga frontliner ng ating bansa laban sa banta ng global pandemic na Covid-19.   Kahapon, nag-post siya sa Twitter ng panawagan sa kanyang mga follower para makakalap ng pinansiyal na tulong sa pagbabahagi ng personal protective equipment o PPEs at iba pang pangangaillangan ng mga ospital.   “I am raising funds …

Read More »

BTS ng Kahit Kailan ni Bianca Umali, mapapanood na

AVAILABLE na sa official Youtube channel ng GMA Music ang behind-the-scenes ng upcoming music video ng single ng Kapuso star na si Bianca Umali, ang Kahit Kailan.   Maraming fans ng aktres ang super excited na sa paglabas nito dahil ito ang kauna-unahang kanta na ire-release ni Bianca.   Sa isang interview, ikinuwento niya ang naging experience, “I am very thankful that GMA Music believes in me and in …

Read More »

Jennylyn, ipinanawagan sa gobyerno — mas maraming test kits 

NAGBIGAY-SALOOBIN ang Descendants of the Sun star na si Jennylyn Mercado hinggil sa VIP testing para sa coronavirus disease  na kinakaharap ngayon ng ating bansa. “Hindi po kami magsasawang uliting sabihin na sana dumami na ang mga test kit na ipamamahagi ng ating gobyerno sa medical community para mas maraming ma-test na nangangailangan nito,” lahad ng Ultimate Star.   Panawagan pa ni Jennylyn na sumunod sa guidelines ng …

Read More »

TikTok videos nina Cassy at Kelvin, kinakiligan ng fans

PATOK sa netizens ang nakakikilig na TikTok videos nina Cassy Legaspi at Kelvin Miranda. Lutang na lutang ang chemistry ng dalawa kaya hindi nakagugulat na mayroon ng mahigit 2.6 million views ang unang video nina Cassy at Kelvin na “pag tumingin ka, akin ka.”   Hindi pa tumigil sa pagpapakilig ang dalawang Kapuso stars na nakitang nagtititigan sa kanilang ikalawang TikTok video.   Ang kanilang mala-staring game ay umani na …

Read More »

Ken at Sanya, may pakiusap sa publiko — maging tapat at magtulungan

DAHIL sa patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa bansa, nakiusap sina Kapuso stars Ken Chan at Sanya Lopez sa publiko na maging tapat at huwag magsinungaling ukol sa kanilang medical at travel history kapag magpapa-konsulta sa mga health worker.   Panawagan ni Sanya, mahalaga lalo sa panahon ngayon ang pagsasabi ng katotohanan para hindi malagay sa panganib ang buhay ng ating mga frontliner.   …

Read More »

Jessica Soho at Vicky Morales, umani ng papuri sa netizens

TRENDING ang GMA News pillars na sina Jessica Soho at Vicky Morales kamakailan. Ito ay matapos umani ng papuri mula sa viewers at netizens sa pagbibigay-boses sa sambayanang Filipino tungkol sa mga isyung bumabalot sa Covid-19.   Prangkahan man ang kanilang pagtatanong sa mga kausap, kasama na ang kontrobersiyal na si Sen. Koko Pimentel, hindi nawala ang pagiging professional at kalmado nina Jessica at Vicky sa gitna …

Read More »

FDCP, may ayuda sa mga entertainment press

BINUO ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairman Liza Diño-Seguerra ang DEAR (Disaster/Emergency Assistance and Relief) Press, ang financial assistance para sa displaced freelance entertainment press workers.   “Malaki ang tulong ng showbiz media sa entertainment industry, kaya maliit na tulong lang ito sa kanila, na ang iba ay hindi na nakapagsusulat dahil natigil na rin sa pag-print ang mga diyaryong sinusulatan nila.   …

Read More »

Thea, nagka-anxiety attack

NAGKAROON ng anxiety attacks ang Kapuso actress na si Thea Tolentino.   Ito ay dahil sa Covid-19 na patuloy na namumuksa sa buong mundo. Nakausap namin sa pamamagitan ng e-mail si Thea na umamin sa kanyang pinagdaraanang takot sa Covid-19 pandemic.   “I had anxiety attacks!   “Pero naghanap ako ng paraan para kumalma. Ngayon ko rin nare-evaluate ang sarili ko. Nag-e-exercise ako for …

Read More »

Bong, sobrang nalungkot sa pagkamatay ng kanyang staff

bong revilla jr

SOBRANG malungkot ngayon si Sen. Bong Revilla dahil namatay na noong Linggo ang isa niyang staff sanhi ng corona virus. Hindi niya lang kasi ito basta staff, kundi isa ring malapit na kaibigan. Ang turing niya na rito ay parang isang kapamilya. Kaya naman talagang apektado siya sa biglang pagpanaw nito. Hindi malilimutan ng senador ang staff/kaibigan niya dahil nakasama niya ito …

Read More »

Matteo, hindi happy ang katatapos na birthday

SA live streaming ng ASAP noong Linggo, ikinuwento ni Sarah Geronimo-Guidicelli ang tungkol sa naganap na birthday ng mister na si Matteo. “Matt just celebrated his birthday noong March 26, 30 na rin siya. Medyo mixed emotions lang din. Sabi nga niya sa akin, ‘Love, parang hindi ko matawag na happy ang birthday ko,’ Kasi talagang nadudurog ang puso niya sa mga nababasa niya, …

Read More »

Angel, tuloy-tuloy pa rin ang pagpapa-fundraising

Sa kabilang banda, sa unang pagkakataon ay nag-fundraising na rin si Angel sa pamamagitan ng Internet para maipagpatuloy ang nasimulan na n’yang pagtatayo ng tent sleeping quarters sa compound ng mga ospital, o sa mga lugar na malapit sa ospital, para sa frontliners na ‘di na nakauuwi ng bahay at sa mga pasilyo na lang ng mga ospital natutulog.  “Unitentwestandph” …

Read More »

Ivana, namigay ng food packs mula sa kinita ng kanyang sexy vlog

MASASABING mala-Angel Locsin ang baguhang si Ivana Alawi sa ginawa n’yang paghahanda ng daan-daang food packs gamit ang sarili n’yang pera.  Nag-post siya kamakailan sa Facebook at Instagram ng dalawang litrato n’ya, kasama ang ina at isang kapatid na babae, na napaliligiran ng mga isinupot nilang edible goods na ipamimigay sa mga kababayan nating ‘di nakapaghahanapbuhay dahil sa enhanced community quarantine.  “Pasensya na kayo sa hitsura namin. …

Read More »

Neil Arce, binara ang propesor (daw) na tinawag na peke at pam-publicity lang ang pagtulong ni Angel

MAY Sociology professor (daw) na nag-post sa Facebook ni Neil Arce ng akusasyon na “fake” ang sensiridad ni Angel Locsin sa mga pagtulong sa panahong ito, at lahat daw ‘yon ay “pure publicity and self-promotion” lang.  Pati ang umano’y kita ni Angel na “P500, 000 per taping day” ay pinakialaman ng propesor. “Overpriced” daw ‘yon at kawalan ng hustisya sa mga Pinoy na mas mahirap ang trabaho pero …

Read More »

Iza Calzado, makauuwi na, negative na sa Covid-19

MASAYANG ibinalita ng manager ni Iza Calzado na si Noel Ferrer sa pamamagitan ng kanyang Facebook account na magaling na ang kanyang alaga at puwede nang makauwi ng bahay. Ani Ferrer, natapos na ng aktres ang ika-IV antibiotics at nag-negative na ito sa sumunod na test ng Covid na isinagawa. Gayunman, humihiling pa rin sila ng panalangin para sa tuloy-tuloy na paggaling ni Iza gayundin ng …

Read More »

Misis sinapak, binantaang papatayin, Mister deretso sa hoyo

arrest posas

SA KULUNGAN bumagsak ng isang 37-anyos driver matapos sapakin at pagbantaan na papatayin ang kanyang asawa makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. Fernando Ortega ang suspek na si Randy Dechaca, residente sa Anneth 1, Brgy. Marulas na nahaharap sa kasong physical injury at grave threat in relation to RA 9262 …

Read More »

5 bagets arestado sa Valenzuela  

ARESTADO ang limang bagets dahil sa paglabag sa curfew hour sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Nahuli ang mga bagets sa kahabaan ng Tamaraw Hills Extension, Brgy. Marulas sa nasabing lungsod. Agad dinala ang mga kabataang gala at maging ang kanilang mga magulang sa police station sa Marulas 3S Center para ibigay ng …

Read More »

Bebot na tulak, timbog sa buy bust  

shabu drug arrest

KAHIT may lockdown dahil sa coronavirus (COVID-19), isang 25-anyos na babae ang walang takot na nagbebenta ng ilegal na droga na naaktohan ng pulisya sa buy bust operation sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon Police chief P/Col. Jessie Tamayao ang naarestong suspek na si Lourdes Caguia, alyas Enang ng Phase 1A, Hapaap St., Brgy. North Bay Boulevard …

Read More »

Navotas, may kaso ng COVID-19 positive  

NAITALA ang kauna-unahang kaso ng COVID-19 positive sa Navotas City, kahapon. Sa post ni Mayor Toby Tiangco sa kanyang Facebook account, ang PUI na namatay ay nagpositibo sa COVID-19 at inaasahan na mas darami pa ang bilang dahil ang namatay ay galing sa mataong lugar. Ang nasabing lugar naman ay laging nahuhulihan ng mga lumalabag sa enhanced community quarantine (ECQ). …

Read More »

Citywide misting operations sa buong Maynila isinagawa

NAGSAGAWA ng citywide misting operations sa lahat ng distrito sa Lungsod ng Maynila kahapo, araw ng LInggo, Marso 29. Ayon sa Manila Public Information Office, layon nitong tumulong sa pagsugpo ng coronavirus (COVID-19) sa maagang panahon. Pinangunahan ang operasyon ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), katuwang ang Manila Barangay Bureau (MBB) at mga punong barangay sa Sampaloc. …

Read More »

62-anyos stall owner positibo sa COVID-19; Trabajo market lockdown  

Covid-19 positive

TOTAL lockdown ang Trabajo Market nang matuklasang nagpositibo sa coronavirus ang isang negosyante ng karne sa nasabing palengke. Isa ang kompirmadong kaso ng COVID-19 sa palengke habang isa ang person under investigation (PUI) at isa ang person under monitoring (PUM). Isang negosyante ng karne ang kompirmadong naospital sa Philippine General Hospital (PGH) at nitong Sabado ng gabi lumabas ang resulta …

Read More »