Friday , January 10 2025

News

Papa ni Jack bumubuti na

BUMUBUTI na ang kondisyon ni Senador Juan Ponce Enrile sa Makati Medical Center. Ito ang ibinalita ni Jack Enrile sabay banggit na patuloy ang paggagamot sa ama sa sakit na pneumonia. “He’s getting better. His fever is gone for today. He was just checked by his doctors. He’s under massive intravenous antibiotics. That’s to be expected given the level of …

Read More »

62-anyos ina tinangkang halayin ng anak

DETENIDO sa piitan ng Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan ang isang 27-anyos lalaki makaraan tangkaing halayin ang kanyang 62-anyos ina sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Gumaok Central sa nabanggit na lungsod. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong 3 p.m. kamakalawa habang mahimbing na natututog sa kanyang silid ang biktimang si Emily Lozada nang pumasok ang suspek …

Read More »

Dalagita napatay ng 14-anyos tiyuhin

CAUAYAN CITY, Isabela – Tinamaan ng 23 saksak sa katawan ang isang 2nd year high school student makaraan paslangin ng kanyang tiyuhin na kapwa niya 14-anyos sa Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya kamakalawa. Ang biktima ay kinilalang si Risa Faye Galiguis, 14, at 2nd year high school sa Nueva Vizcaya General Comprehensive High School (NVGCHS), habang ang suspek na itinago …

Read More »

Mister tiklo ni misis sa ibabaw ng anak

DAGUPAN CITY – Labis ang pasasalamat ng 18-anyos dalagita na hindi natuloy ang panghahalay sa kanya ng sariling ama sa bayan ng Bayambang, sa lalawigan ng Pangasinan kamakalawa ng gabi. Ayon sa impormasyon, dakong 10 p.m. nang maalimpungatan ang ina nang mapansing wala na sa tabi niya ang kanyang asawa. Nang imulat ang kanyang mata, nakitang nakakubabaw na ang mister …

Read More »

Mister, kabit ipinakulong ni misis

NAGA CITY – Bagsak sa kulungan ang isang lalaki at ang sinasabing kanyang kalaguyo makaraan ireklamo ng kanyang misis sa pulisya sa Lucban, Quezon. Nabatid na dinadala ng 32-anyos mister ang kanyang 23-anyos kalaguyo sa kanilang bahay nang makailang beses kahit naroroon ang tunay niyang misis na si Ana, 27-anyos. Madalas ay doon natutulog ang babae at siyang katabi ni …

Read More »

Roxas, hangad ang maayos na kalagayan ni Enrile

Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang paglipat ng 91-anyos na detenidong senador na si Juan Ponce Enrile mula sa Philippine National Police (PNP) General Hospital tungo sa Makati Medical Center kamakalawa ng madaling araw dahil sa pneumonia. “Hangad namin ang kanyang agarang paggaling,” ani Roxas. “Since Tuesday, mayroon siyang high grade fever, 39 degrees. Celsius, kaya …

Read More »

3 suspek sa La Union massacre timbog sa Bulacan

KINOMPIRMA ng Bulacan police, kabilang ang tatlong suspek sa naganap na masaker sa bayan ng Agoo, La Union, sa 70 katao na kanilang naaresto sa police operation sa Brgy. Lumang Bayan sakop ng City of San Jose del Monte kamakalawa ng umaga. Kabilang sa mga naaresto sa kampanya ng pulisya na “Oplan Lambat-Sibat” si Eduardo Gayo, 65, ang dalawa niyang …

Read More »

Riding in tandem sinita, sekyu utas

NAPATAY ang isang security guard makaraan barilin ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaking lulan ng motorsiklo na kanyang sinita nang hindi huminto sa main entrance ng subdibisyon sa Muntinlupa City kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Antonio Diaz, 39, ng JNB Security Agency, at nakatira sa Lakeview Homes, Putatan, Muntinlupa. Isinugod ang biktima sa Medical …

Read More »

Bebot todas sa tingga

PATAY ang isang babae makaraan barilin ng isa sa tatlong hindi nakilalang suspek habang naglalakad sa madilim na eskinita sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Marielle Jurado, alyas Ella, 34, residente ng Block 10, Pama Sawata, Brgy. 28 ng nasabing lungsod. Habang pinaghahanap ang tatlong hindi nakilalang suspek na mabilis na tumakas makaraan …

Read More »

Utang ng PH lumobo sa P5.664-T (P2.5-B loan sa France tinanggap ni PNoy)

UMABOT na sa P5.664 trilyon ang utang ng Filipinas makaraan tanggapin ni Pangulong Benigno Aquino III ang 50-M euro o P2.5-B loan na inialok ni French President Francois Hollande para ipantustos sa kampanya ng bansa kontra climate change. Kinompirma kahapon ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, tinanggap na ni Pangulong Aquino ang 50-M euro loan mula France bilang pondo para …

Read More »

Enrile isinugod sa Makati Med (Umuubong may kasamang dugo)

INILIPAT si Senador Juan Ponce Enrile sa Makati Medical Center dakong 3 a.m. kahapon. Ayon kay Philippine National Police-Public Information Office (PNP-PIO) chief Generoso Cerbo, batay na rin sa impormasyon mula sa PNP Health Services, kinailangang ilipat ng ospital ang mambabatas mula sa PNP General Hospital dahil sa pneumonia. Binanggit ni Cerbo, may standing resolution ang Sandiganbayan na kung emergency …

Read More »

3 pusakal todas sa CSJDM cops (Sa Oplan Lambat Sibat)

BUMAGSAK na walang buhay ang tatlong lalaking sinasabing sangkot isa iba’t ibang criminal activities, makaraan makipagpalitan ng putok sa mga tauhan ng Bulacan Police habang inaaresto sa sinalakay na isang bahay sa hangga-nan ng bayan ng Norzagaray at ng Lungsod ng San Jose del Monte, sa Bulacan kahapon. Ang pagsalakay ay isinagawa dakong 5 a.m. bilang bahagi ng ipinatutupad na …

Read More »

16 patay, 35 sugatan sa operasyon vs ASG — AFP

ZAMBOANGA CITY – Umakyat na sa 16 ang bilang ng mga namatay sa panig ng Abu Sayyaf group (ASG) habang nasa 35 ang napaulat na sugatan sa sagupaan mula pa kamakalawa sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Tanum sa munisipyo ng Patikul sa lalawigan ng Sulu. Ito ay base sa pinakabagong ulat na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) …

Read More »

BIFF target pilayan ng AFP

TARGET ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pahinain ang puwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa loob ng tatlong buwan. Ito ang inihayag ni AFP chief of staff Gen. Gregorio Pio Catapang Jr. makaraan ilunsad ang all-out war defensive kontra sa armadong grupo. ‘’In three months, hopefully we can substantially decimate them. Kasama na ang leadership.’’ Partikular na …

Read More »

Misis ni Enzo Pastor swak sa parricide

PINAKAKASUHAN ng Department of Justice (DoJ) ang maybahay ng pinatay na car racer na si Enzo Pastor. Sa 13-pahinang resolusyon ng panel of prosecutors, nakakita ng probable cause para kasuhan ng parricide si Dahlia Guererro Pastor, at murder sa negosyanteng si Domingo “Sandy” De Guzman.  Sinasabing may relasyon si De Guzman sa misis ng biktima. Una nang kinasuhan ng DoJ …

Read More »

Buwis ipinaalala ni Kim kay Pacman (Sa mega fight vs Floyd)

IPINAALALA ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Henares kay Manny Pacquiao na iulat sa kanila ang babayarang buwis sa Amerika kaugnay ng nalalapit na megabout kay Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2.  Sa press conference sa Department of Justice (DOJ), inulit ng BIR chief na dapat magsumite ang Sarangani congressman ng dokumentong authenticated ng Embahada ng Filipinas sa …

Read More »

Resolusyon sa Mamasapano Truth Commission inihain na sa Kamara

PORMAL nang naghain sa Kamara ang ilang mambabatas para sa pagbubuo ng Fact-Finding Commission kaugnay sa Mamasapano incident. Iniakda ang House Bill 5462 nina Bayan Muna Party-list Reps. Neri Colmenares at Carlos Isagani Zarate; Gabriela Party-list Reps. Luzviminda Ilagan at Emmi De Jesus; ACT Teachers Party-list Rep. AntonioTinio; ANAKPAWIS Party-list Rep. Fernando Hicap, at Kabataan Party-list Rep. Terry Ridon. “Therefore, …

Read More »

P25-M shabu kompiskado sa Cotabato

TINATAYANG aabot sa dalawang kilo ng hininihalang shabu ang nakompiska ng mga awtoridad sa raid sa Brgy. Ambalgan, Sto. Nino, Cotabato nitong Miyerkoles.  Tinatayang nasa P25 milyon ang street value ng nakuhang droga.  Ngunit nakatakas ang target na si Johnny Mantawil at asawang si Fatima, ilang minuto bago sumalakay ang mga awtoridad sa kanilang bahay.  Narekober din mula sa tahanan …

Read More »

1 patay, 3 sugatan sa jailbreak sa Sarangani

PATAY ang isang preso habang sugatan ang tatlong iba pa sa jailbreak sa Malapatan District Jail sa Sarangani nitong Miyerkoles. Dakong 7:30 p.m. nang agawin ng dalawang trustee prisoner na kinilalang sina Ronald Uppos at Roberto Caratayco ang baril at susi mula kay Jail Officer 1 Sofreme Autor. Dalawang putok ng baril ang narinig ng mga pulis na naka-estasyon malapit …

Read More »

Manyak tiklo sa panghihipo  (‘Di napigil sa panggigigil)  

ARESTADO ang isang manyakis makaraan ireklamo ng pagyakap at panghihipo sa isang babae, at pambubugbog ng isang lalaki sa computer shop sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Rehas na bakal ang hinihimas ngayon ng suspek na kinilalang si Joshua Rodriguez, 21, residente ng Purok 6, Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong acts of lasciviousness at …

Read More »

BBL ‘di ibabasura ng Senado

TINIYAK ni  Senate President Franklin Drilon, hindi ibabasura ng Senado ang Bangsangmoro Basic Law (BBL) kundi ito ay tatalakayin at iaayon lamang sa nilalaman ng Saligang Batas ang magiging probisyon o nilalaman nito. Ayon kay Drilon, hindi lamang nila mahahabol ang unang target  na matapos ang pagtalakay rito at maipasa ngayong Marso 18, ang huling araw ng sesyon bago ang …

Read More »

PNP-HSS chief sinibak sa pagtakas ni Bong

SINIBAK ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ang hepe ng Philippine National Police-Headquarters Support Service (PNP-HSS). Kaugnay ito ng sinasabing pagtakas ni Senador Bong Revilla sa piitan sa PNP Custodial Center para dumalo sa birthday celebration ni Senador Juan Ponce Enrile sa PNP General Hospital noong Pebrero 4. Sa press conference, Huwebes ng tanghali, inihayag ni Roxas  ang  …

Read More »

Sweet 16 niluray ng boyfriend

NAGA CITY- Agad naaresto ang isang lalaki makaraan halayin ang menor de edad niyang kasintahan nang malasing ang biktima sa Candelaria, Quezon kamakalawa. Nabatid sa ulat, nag-inoman ang 16-anyos biktima at ang boyfriend niyang si alyas Daniel kasama ang ilang mga kaibigan. Nang malasing ang biktima, dinala siya ng suspek sa kwarto at hinalay ang dalagita. Hindi nakapanlaban ang biktima …

Read More »

Roxas: Benepisyo para sa SAF 44, buo at mabilis

TINIYAK ngayon ni Interior Secretary Mar Roxas na agarang makukuha ang lahat ng benepisyong nakalaan para sa mga biyuda at naulilang anak ng 44 Special Action Force (SAF) commandos na nag-alay ng buhay sa Mamasapano, Maguindanao, noong Enero 25. Ayon kay Roxas, naibigay na sa mga naulila ng SAF44 ang tulong (Special Assistance Fund) galing sa gobyerno at paunang benepisyo …

Read More »