Friday , November 1 2024

Pangangailangan sa mahusay na water management tinukoy

ANG Filipinas ay nagsasayang ng maraming tubig, at kung ang Israel ay may 10 porsiyento ng tubig na ating sinasayang ito ay lalo pang magpapalaki sa food production ng Israel.

Ito ang inihayag ng Israeli members ng Philippines – Israel Business Assocation, na miyembro si inventor-agriculturist Gonzalo Catan, Jr., executive vice president ng Mapecon Green Charcoal Philippines, Inc., at ang kanyang misis na si dating Nancy Russel.

Ayon kay Catan, naka-dedesmaya na ang bansa ay may napakaraming tubig na dulot nang malakas na buhos ng ulan ngunit walang sapat nito kapag sumapit ang tagtuyot na nagreresulta sa malaking pagkalugi sa agricultural products na nagkakahalaga ng bilyong piso.

Ang bansa ay nagkakaroon ng napakaraming tubig sa panahon ng tag-ulan ngunit walang sapat para sa irigasyon pagsapit ng summer, aniya, idinagdag na ang ulan ay nakalaan para sa mga bukirin at hindi para sa karagatan.

Hindi aniya ito ang magiging senaryo kung tayo ay mayroong mahusay na water management program. Sa tulong ng gobyerno, ang mga magsasaka ay maa-aring magtayo ng water impounding mini dams katulad sa ilang bahagi ng Cordillera region na ang mallit na impounding dams ay naka-tutulong upang maibsan ang epekto ng pagkatuyo ng mga pananim.

Sa panahon ng tagtu-yot, ang Cordillera ay mayroong bahagyang pinsala sa mga pananim dahil sa pagkakaroon ng tubig mula sa impounding projects sa estratehikong bahagi ng ri-ver systems at maliliit na dams na itinayo sa tulong ng mga ahensiya ng gob-yerno. Ito ang nagtitiyak nang patuloy na supply ng irrigation water tuwing sasapit ang tagtuyot.

Ang water management, ayon kay Catan ay ipi-natutupad sa iba’t ibang bansa. Nang bumisita siya sa Taiwan, halimbawa, naobserbahan niya ang maraming tubig sa impounding dams. Araw-araw ay may nakikita siyang water tankers na naghahatid ng tubig sa iba’t ibang bukirin.

Binisita rin ni Catan ang Mararka Foundation sa Jaipur, India. Ang foundation ay mayroong malaking water reservoir sa kanilang basement. Ang tubig ay ibi-nibenta  sa  mga  bukirin  upang makaipon ng pondo ang foundation.

Nanirahan din si Catan kasama ng farmer family sa Leavenworth, Kansas. Ang pamilya ay nagtayo ng dams o ponds para sa ibang mga magsasaka. Ang pamilya ay mayroong bulldozer na nag-huhukay at nagtatayo ng ponds upang mapag-ipunan ng tubig.

Ang mga magsasakang Filipino, ayon kay Catan, bilang bahagi ng farm activities, ay dapat din magtayo ng ponds upang magkaroon sila ng tubig sa buong taon. Kasabay nito, makatutulong itong maprotektahan ang kanilang bukirin mula sa mga pagbaha.

About Hataw News Team

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa crackdown vs ilegal na droga  
21 TULAK TIKLO SA BULACAN

ARESTADO ang 21 pinaghihinalaang mga tulak ng ilegal na droga sa pinaigting na operasyon ng …

PNP PRO3

PRO3 PNP hanang-handa na sa ikinasang seguridad para sa Undas

PINAKILOS ni PRO3 Regional Director P/BGen. Redrico Maranan ang kaniyang matataas na opisyal upang personal …

Knife Blood

Ama patay sa saksak ng anak na ‘high’ sa bato

LULONG sa ‘bato’ ang sinabing dahilan kung bakit sinaksak ang ama ng kaniyang sariling anak …

boc customs china mackerel

P178.5-M Smuggled Mackerel mula Tsina naharang ng BoC

PINIGIL ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang 21 container na naglalaman ng …

Larena Siquijor

Larena, Siquijor budget officer, 5 BAC members, suspendido ex-mayor kasama sa inireklamo

PINATAWAN ng isang taong suspensiyon ng Office of the Ombudsman Visayas ang municipal budget officer …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *