Wednesday , December 17 2025

Blog Layout

No whitewash — PNP chief

INIUTOS ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa ang isang impartial independent investigation kaugnay sa pagkamatay ni Albuera Mayor Rolando Espinosa kahapon ng madaling araw. Inatasan ni Dela Rosa ang Regional Internal Affairs Service ng Police Regional Office 8 (PRO-8) na mag-imbestigas sa insidente. Tiniyak ng PNP chief, magiging patas ang kanilang imbestigasyon at walang magaganap na ‘whitewash.’ Iimbestigahan …

Read More »

Senators naalarma

BUNSOD nang pagkakapatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa at isa pang drug suspect na si Raul Yap sa sinasabing shootout sa loob ng Baybay City Provincial Jail sa Leyte kahapon ng umaga, sinabi ni Senador Panfilo Lacson, isusulong niya ang pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa extrajudicial killings (EJK). “Offhand, I can smell EJK and I base my conclusion …

Read More »

Kidnapping data ni Digong negative (Sa record ng NCRPO); Palasyo nanindigan sa kidnapping data

KINOMPIRMA ni National Capital Region Police (NCRPO) director, Chief Supt. Oscar Albayalde, wala silang natanggap na report na may insidente ng kidnapping o pagdukot sa kalakhang Maynila lalo na sa Binondo, simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Albayalde, sa ginawang initial verification ng Manila Police District (MPD) sa PNP-Anti-Kidnapping Group (AKG), wala rin naitalang insidente …

Read More »

Korean-American new US Ambassador to PH

IKINATUWA ng Palasyo ang pag-hirang ng Washington kay Sung Kim, isang Korean-American, bilang bagong US Ambassador to the Philippines kapalit ni Philip Goldberg. Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang pagtalaga kay Kim ang hudyat nang pagnanais ng Amerika na higit maunawaan ang kultura ng Filipinas at Estados Unidos. “It’s very significant po that they chose an Asian… I’m sure …

Read More »

Ex-Sen. Bong Revilla isinugod sa ospital

bong revilla

ISINUGOD si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Saint Luke Medical Center sa Bonifacio Global City sa Taguig bago magtang-hali kahapon. Nakaranas nang matinding migraine attack at tumaas nang bahagya ang kanyang pres-yon kung kaya’t isinugod sa ospital. Unang dinala sa PNP General Hospital ang dating senador na binigyan ng paunang lunas, ngunit sa tindi ng migraine na nararanasan …

Read More »

2 binatilyo, 4 pa tiklo sa drug raid (P1-M shabu nakompiska)

GENERAL SANTOS CITY – Mahigit isang milyong pisong halaga ng shabu ang nakompiska sa buy bust operation kahapon ng madaling-araw sa Prk 13B, Brgy. Fatima sa lungsod. Sa impormasyon mula kay Senior Insp. Oliver Pauya ng City Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (CAIDSOTG), anim suspek ang nahuli, kabilang ang dalawang menor-de-edad, pawang mga residente sa nasabing lugar. Habang dalawang …

Read More »

Grade 7 todas sa tractor

PATAY ang isang 15-anyos Grade 7 student makaraan mahulog mula sa likurang bahagi nang sinasakyang tractor at masagasaan ng kaliwang gulong sa hulihan kahapon ng ma-daling araw sa Gate 5 ng Parola Compound, Binondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang si Mark Coronel Munez, estudyante ng Harmony High School sa San Jose Del Monte Bulacan, at residente ng Blk. 37, …

Read More »

3 tulak patay sa buy-bust

TATLONG hinihinalang tulak ng shabu ang napatay makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District sa Novaliches, Quezon City kamakalawa. Sa ulat ni Supt. April Mark Young, hepe ng Novaliches Police Station 4, kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang napatay ay sina Anthony Pelicano, Roberto Saragoza at Edgar Enim, pawang nasa hustong gulang at …

Read More »

2 patay sa shootout sa parak

PATAY  ang isang most wanted drug personality at ang kanyang kasama makaraan makipagbarilan sa mga pulis sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw. Agad binawian ng buhay ang suspek na si Jomar Serrano alyas Boknoy at ang hindi pa nakilalang kasama niya makaraan ang insidente. Ayon kay Northern Police District Special Operations Unit (DSOU) Supt. Jose Ali Duterte, nakatanggap sila …

Read More »

3 drug suspect itinumba ng vigilante

PATAY ang tatlong hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang misis, makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalaang mga miyembro ng vigilante group sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Ayon kay Senior Supt. Johnson Almazan,hepe ng Caloocan City Police, dakong 2:00 am nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay sa 1939 Molave St., Bagbaguin si Josefina Buenaventura, alyas Mamita, 57, nang pasukin …

Read More »