Sunday , December 21 2025

Blog Layout

Pinsan ni Parojinog itinumba sa Ozamis

dead gun police

PATAY ang pinsan ng pinaslang na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog sa Purok Malinawon, Brgy. Tinago, Ozamis City noong Lunes ng hapon, ayon sa ulat ng pulis nitong Martes. Si Sandy Daroy, 36, ay pinagbabaril ng hindi kilalang riding-in-tandem sa labas ng kanyang bahay pasado 5:00 ng hapon. Si Mayor Parojinog at kanyang kaanak ay kabilang sa 16 katao …

Read More »

ICC ‘nilayasan’ ng PH (Mangmang sa hurisdiksiyon)

International Criminal Court ICC

TUMIWALAG bilang kasapi ng International Criminal Court (ICC) ang Filipinas. Ito ang naging pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte, base sa kalatas na ipinamahagi sa Malacañang Press Corps kahapon. Paliwanag ng Pangulo, may sabwatan ang United Nations special rapporteurs at ICC para ipinta siya bilang malupit na human rights violator na nagbasbas sa libo-libong extrajudicial killings. “I therefore declare ad forthwith …

Read More »

Dinarayong beach resort sa buong bansa nabulabog sa Boracay scam

Boracay boat sunset

HINDI lang mga negosyante sa Boracay ang nataranta, lahat ng lugar o lalawigan sa bansa na dinarayo ang dalampasigan ay biglang na­bulabog dahil nag-ikot na ang mga operatiba ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Kung hindi pa nagbanta si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ay hindi pa matataranta ang mga establishment na may malalang paglabag sa DENR law. Nagkukumahog …

Read More »

‘Pekeng’ dentista arestado sa Batangas (Equipment pang-construction)

ARESTADO ang isang pekeng dentista na ang ginagamit na dental equipment ay pang-construction at pangsasakyan katulad ng martilyo, plais at jack, sa Mabini, Batangas, kamakalawa. Sa surveillance video ng Mabini police para makompirma ang sumbong laban sa nagpapanggap umanong dentista na si Leopoldo Mañibo, ay makikita ang aktuwal na pagsusukat ni Mañibo sa mga undercover agent ng Philippine Dental Association …

Read More »

Pingris wala sa 6-8 buwan (Bunsod ng ACL injury)

mark pingris injury

INAASAHANG mawawala mula anim hanggang walong buwan ang beteranong sentro ng Magnolia na si Marc Pingis matapos makompirma kamakalawa ng gabi na napinsala siya ng kulunos-lunos na punit sa anterior cruciate ligament (ACL) sa kanyang kaliwang tuhod. Mismong si Hotshots Governor Rene Pardo ang nagkompirma ng balita matapos lumabas ang resulta ng magnetic resonance imaging (MRI) mula sa kilalang espesyalista …

Read More »

Credo mananatili sa Ateneo

Jason Credo SJ Belangel Dave Ildefonso Ateneo ADMU

HINDI aalis sa pugad ng mga agila ang Ateneo High School standout na si Jason Credo. Ito ay matapos ang anunsiyo ng Blue Eaglet star na si Credo na itutuloy niya ang paglalaro ng college basketball sa seniors basketball team na Ateneo Blue Eagles. Malaking bahagi ang 18-anyos manlalaro sa kampeonato ng Ateneo Blue Eaglets sa katatapos na juniors basketball …

Read More »

Scorpions, swak na sa playoffs

Centro Escolar University CEU Scorpions

PASOK na sa playoffs ang lider na Centro Escolar University matapos daigin ang University of Perpetual Help System Dalta, 90-85 kahapon sa 2018 Philippine Basketball Association Developmental  (PBA D) League Aspirants’ Cup sa JSCGO Gym sa Cubao, Quezon City. Bukod sa napanatili ang tangan sa tuktok ng standings, naabot na ng Scorpions (7-1) ang kinakailangang ikapitong panalo upang masikwat ang …

Read More »

Televiewers, galit kay Lorna; Cherie Pie, pinatay na sa Asintado 

Cherie Pie Picache Julia Montes lorna tolentino asintado

MAHIRAP talagang pagsabayin ang dalawang teleserye lalo na’t hand to mouth ang taping kaya kinakailangang mawala ang isa. Ito ang nangyari ngayon kay Cherie Pie Picache na sabay ginagawa ang panghapong seryeng Asintado pagkatapos ng It’s Showtime ni Julia Montes at ang The Blood Sisters ni Erich Gonzales na napapanood bago mag-TV Patrol. Mas naunang umere ang Asintado na obviously …

Read More »

Ryza, ‘di na dapat tumanggap ng kontrabida role

DAPAT sigurong huwag munang tumanggap ng kontrabida role si Ryza Cenon para hindi maapektuhan ang pelikulang siya mismo ang bida. Ito ang napagkuwentuhan ng kilalang broadsheet entertainment editor at movie producer at direktor din. Sa isang presscon ng pelikula ay magkakasama kami sa lamesa at napag-usapan ang serye ni Ryza na Ika-6 na Utos na ang sama-sama ng papel ng …

Read More »

Pia Wurtzbach, target ma-penetrate ang international market bilang aktres

Gerald Anderson pia wurtzbach

IPINAHAYAG ng 2015 Miss Universe na si Pia Wurtzbach na ang next biggest dream na gusto niyang ma-achieve ay ma-peneterate ang international market bilang aktres. After ng showbiz career mo sa bansa, ano ang next na gusto mong ma-achieve? Sagot ni Pia, “Siyempre, international na. Iyon iyong next na goal and I think, lahat naman ng ginagawa ko is helping lead …

Read More »