KAPWA sugatan ang isang security guard at isang 17-anyos binatilyo makaraan ang naganap na rambol ng mga nag-iinoman kamakalawa ng madaling-araw sa Tondo, Maynila. Tinamaan ng saksak sa kaliwang braso at mukha ang biktimang si Roy Escasinas,17; habang may hiwa sa ulo si Marlon Ervas, security guard, 26, ng 855 Prudencia St., Dagupan St.,Tondo, Maynila, makaraan hatawin ng bote ng …
Read More »Lolo nalaglag sa hagdan, patay
BINAWIAN ng buhay ang isang 65-anyos lolo makaraang mahulog sa hagdan dahil sa kalasingan kamakalawa ng gabi sa Tayuman, Tondo, Maynila. Namatay noon din ang biktimang si Antonio Espinar, alyas Tony, stay-in helper sa BKM House sa PNR Compound, Tayuman, Tondo, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Noel Santiago, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 6:30 p.m. …
Read More »Canadian nag-suicide sa hotel (Sarili nilason sa LPG)
MASUSING inimbestigahan ng pulisya ang insidente ng pagpapakamatay ng isang Canadian national sa loob ng isang hotel sa Ermita, Maynila kamakalawa. Ayon sa ulat na isinumite ni SPO3 Milbert Balinggan kay Inspector Paul Dennis Javier, ng MPD Homicide Section, ibinalot ng biktimang si Terrance Gregory McMullin, 42, Canadian, ng 368 Brock Ave,Toronto, Ontario, Canada, pansamantalang nanunuluyan sa Room 108, Amazona …
Read More »2 Chinese nat’l 2 taon kulong (Nagpanggap na Pinoy)
HINATULAN ng dalawa at kalahating taon pagkabilanggo ang dalawang Chinese national na kinasuhan ng falsification of public documents makaraan magparehistro sa Commission on Elections at nagpanggap na mga Filipino at nakaboto sa halalan. Bukod sa pagkabilanggo, pinagmulta rin ng P5,000 ni Metropolitan Trial Court Branch 9 Judge Yolanda Leonardo sina Aurora Co Ching at kanyang anak na si Jaime. Base …
Read More »Mag-asawang swindler arestado
ARESTADO sa mga elemento ng Manila Police District (MPD) ang mag-asawang swindler nang makatunog sa kanilang “modus operandi” ang negosyanteng kanilang biniktima, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng umaga. Nakapiit ngayon sa MPD-Police Station 4 at nakatakdang sampahan ng kasong estafa thru swindling ang mga suspek na sina Walter Peckson, 41; at Susan Peckson, 29, kapwa ng 127 Ignacio St., Pasay …
Read More »Kagawad na ex-pulis binoga sa sentido ng pasahero (Nagmamaneho ng AUV)
PATAY ang isang dating pulis na naninilbihang barangay kagawad at namamasada ng AUV nang barilin sa sentido ng isa sa kanyang pashero sa kanto ng Radila Road 10 at Moriones St., sa Tondo, Maynila kahapon ng umaga. Sa inisyal na imbestigasyon, limang lalaki ang sumakay sa AUV na minamaneho ng biktimang si retired SPO1 Salvador Legaspi, 54-anyos, dating nakatalaga sa …
Read More »Aldub ng Eat Bulaga pinuri ng CBCP, religious groups
PINURI ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), iba pang church group at ministry ang pinakamatagal nang noontime show sa bansa na Eat Bulaga. Ito ay dahil sa pagbibigay-importansiya ng programa sa moral standards na maaaring mapulot ng publiko sa sikat na sikat na segment na Aldub kalyeserye. “2M tweets for Filipino marriage moral standards! @EatBulaga #KalyeSerye #ALDUBAgainstALLODDS,” tweet …
Read More »Pedicab driver binoga ng mag-utol
SUGATAN ang isang pedicab driver makaraan barilin ng isa sa magkapatid na kanyang nakaaway sa larong basketball sa Tondo, Maynila kamakalawa. Nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Reynaldo Zorilla, 26, ng 227 Pacheco St., Tondo, dahil sa tama ng bala sa kaliwang bahagi ng katawan. Habang pinaghahanap ng mga tauhan ng Manila Police District-Don …
Read More »High risk inmate na taiwanese nat’l nakapuga sa MPD
NAKAPUGA sa isang tauhan ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS), ang isang Taiwanese national, itinuturing na “high risk” prisoner dahil sa large scale illegal recruitment, kamakalawa ng hapon makaraan ilabas sa MPD Headquarters para ipa-medical exam, nang tumalon sa sinasakyang motorsiklo sa Taft Avenue, Maynila. Nakadetine na ngayon sa MPD- Integrated Jail si PO2 Marlon Anonuevo makaraan …
Read More »Sanggol ‘nalunod’ sa dedeng tubig (Ina naghanap ng pambili ng gatas)
BINAWIAN ng buhay ang isang-buwan gulang na sanggol na hinihinalang ‘nalunod’ sa ipinadedeng tubig habang mahimbing na natutulog ang ama sa Tondo, Maynila kahapon. Hindi na umabot nang buhay sa Tondo General Hospital ang biktimang si Regine Ramirez ng 2701 Lico St., Tondo, habang isinasailalim sa interogasyon ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section ang ama ng sanggol na si …
Read More »13-anyos dalagita niluray ng BF ng ina
BAGAMA’T walang suporta ng kanyang sariling ina, desidido ang 13 anyos dalagita na maghain ng kasong rape laban sa boyfriend ng ina na gumahasa sa kanya habang nakatutok sa kanyang ulo ang .45 kalibre baril sa Cavite City. Batay sa sinumpaang salaysay ng biktimang itinago sa pangalang Mae, sa National Bureau of Investigation-Tagaytay City, naganap ang panghahalay sa kanya ng …
Read More »Japanese national kinidnap
PERSONAL na dumulog sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang isang 46-anyos Japanese national makaraan makidnap ng hindi nakikilalang mga suspek sa Roxas Blvd., Malate, Maynila nitong Lunes, Agosto 10. Kinilala ang biktimang si Hideaki Okozaki, may asawa, negosyante, nakatira sa Robinsons Tower 1, Room 11-H, Pedro Gil St., Ermita, Maynila. Sa imbestigasyon ni PO2 Randolf Pellesco, …
Read More »Scavenger binoga sa ulo (Nag-aalmusal ng jompong kapiling ang pamilya)
PATAY ang isang 32-anyos lalaking scavenger makaraan barilin sa ulo ng hindi nakilalang suspek habang kumakain Korean hot noodles kasalo ang kanyang pamilya sa isang bangketa sa Tondo, Maynila kamakalawa. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Danilo Jandusay, miyembro ng Commando gang, residente ng Gate 10, Pier 2, Area B, Parola Compound, Tondo. Inaalam ng pulisya ang pagkakakilanan ng …
Read More »65-anyos Inday utas sa hambalos ng live-in (Tumangging sumalo sa pagkain)
SUNTOK at walang habas na hambalos ng kahoy na uno por dos ang dinanas ng isang 65-anyos babae sa kinakasamang 64-anyos tricycle driver nang tumangging sumalo sa pagkain sa tinuluyang musoleo sa Manila North Cemetery, Sta. Crz, Maynila kamakalawa. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Ronila Banac habang naaresto ang suspek na si Romeo Torre, 64, tricycle driver, caretaker …
Read More »71-anyos food concessionaire utas sa ambush
PATAY ang isang 71-anyos biyudang food concessionaire nang barilin sa ulo nang dalawang beses ng isang hinihinalang hired killer habang sumasakay sa kanyang kotse sa harap ng Our Lady of Remedies Church sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay habang dinadala sa Philippine General Hospital ang biktimang si Nora Chuanico Eubanas, residente sa Taft Avenue, Malate, Maynila at …
Read More »Kaso vs suspek sa bar exam bombing kinatigan ng CA
PINAGTIBAY ng Court of Appeals ang paghahain ng kaso laban sa pangunahing suspek sa binansagang Bar Exam bombing noong Setyembre 2010 sa Taft Avenue, Maynila. Sa 17-pahinang desisyon ng Special Fourth Division na may petsang Hulyo 14, 2015, kinatigan ng appellate court ang paghahain ng DoJ ng kasong multiple frustrated murder, multiple attempted murder, at illegal possession of explosives laban …
Read More »Opisina ng state prosecutor sa DoJ nasunog
NAGKAROON ng tensiyon sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ) nang masunog ang Office of the State Prosecutor, kahapon ng umaga sa Padre Faura St., Ermita, Maynila. Ayon sa Manila Fire Bureau, dakong 10:18 a.m. nang magsimula ang sunog at naideklarang fire out dakong 10:36 a.m. Nabatid na sa tanggapan ni Prosecutor Agapito Fajardo sa ikalawang palapag ng Human Resources Building …
Read More »Taxi driver na pinatay ng holdaper natagpuan sa GPS (Mukha binalot sa packaging tape)
ISANG hinoldap at pinatay na 67-anyos taxi driver ang natagpuan ng kanyang karelyebo sa pamamagitan ng electronic global positioning system (GPS) sa Malate, Maynila, kahapon ng umaga. Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng MPD Homicide Section, dakong 6:30 a.m. nang matagpuang walang buhay sa loob ng ipinapasadang KEN taxi (UYE 361) ang biktimang si Arturo Amascual, 67, ng 1855 …
Read More »Ex-Bantay Ilog volunteer dedo sa saksak ng adik na bayaw
PATAY ang 49-anyos lalaki matapos pagsasaksakin ng bayaw na lulong sa droga sa pagitan ng Estero de Concordia at Estero de Paco sa Paco, Maynila kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Jesus Reyes, 49, dating River Warrior- Bantay Ilog at residente sa Burgos St., Paco, Maynila na agad binawian ng buhay dakong 03:59 pm sa Philippine General Hospital (PGH). …
Read More »BI official ipinadidisiplina ni De Lima (Sinabing krisis sa INC case closed na)
IPINADIDISIPLINA ni Justice Secretary Leila de Lima ang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsabing case closed ang kinasasangkutang krisis ng Iglesia ni Cristo (INC). Tahasang sinabi ni De Lima, mali ang nasabing impormasyon dahil nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat ng NBI. Si Atty. Manuel Antonio Eduarte, hepe ng Anti Organized and Transnational Crime Division, ay hindi bahagi …
Read More »4 kelot sugatan sa kuyog ng 20 gangsters
APAT katao ang sugatan makaraan kuyugin ng 20 gangsters sa Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Gat. Andres Bonifacio Hospital ang mga biktimang sina Reyna Ramirez, 22; Charlie Brinolo, 23; Jorlyn Orongon, 22; at Arnel Gadia, 45-anyos. Ang apat ay pawang construction worker sa itinatayong gusali sa Masangkay St., sa Tondo. Sa ulat ni Supt. Jackson Tuliao, station commander ng Manila …
Read More »Among senglot todas sa panadero
PATAY ang isang 42-anyos negosyante makaraan saksakin ng panadero sa loob ng kanyang panaderya sa Maria Clara St., Sta Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw. Hindi na umabot nang buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Antonio Magpantay ng 1455 Maria Clara St., Sta Cruz. Habang nakakulong na sa Manila Police District-Homicide Section ang suspek na si Dante …
Read More »Immigration ‘natakasan’ ng illegal foreign workers
PALAISIPAN ngayon sa Bureau of Immigration kung saan na napunta ang 22 foreign nationals na kasama sa mga nahuli sa isang raid sa Pasay City nitong nakaraang linggo. Nitong Hulyo 21, sinalakay ng BI ang isang tanggapan sa Pasay City at naaresto ang 169 foreign nationals, karamihan ay Chinese, na pinaniniwalaang ilegal na nagtatrabaho bilang call center agents at online …
Read More »Nagwawalang adik todas sa sakal ni kuya
NAMATAY ang isang 33-anyos lalaki na pinaniniwalaang nasakal ng kanyang nakatatandang kapatid na lalaki habang inaawat sa kanyang pagwawala sa Pandacan, Maynila, kamakalawa. Hindi na umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila ang biktimang si John Paul Tamayo, 33, jobless, residente sa 2630 Road 1, Barrio Obrero, Pandacan. Habang arestado ang suspek na si Michael Tamayo, 35, nagtatrabaho bilang administrative …
Read More »‘Bully’ tinadtad ng saksak ng naalimpungatang katrabaho
TATLUMPU’T APAT na saksak ang itinarak ng isang helper sa kanyang katrabaho dahil sa walang tigil na pambubuska at panlalait sa kanya sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng madaling-araw. Ayon kay SPO4 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District Homicide Section, agad binawian ng buhay ang biktimang si Carlito Macario, stay-in worker sa Lejusant Trading sa 2883 Sulter St., Sta Ana, …
Read More »